Sapnu: 18 pulis napatay, 45 ang sugatan sa drug war

NANG magsimula ng kampanya ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang Double Barrel Program noong 2016, umaabot na sa 18 mga pulis ang napatay sa anti-illegal drug operasyon sa rehiyon.

Umaabot naman sa 45 mga pulis ang nasugatan nang makasagupa nila ang mga drug pushers nang sila'y manglaban, ayon kay Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director.

Sang-ayon pa kay Baccay umaabot naman sa 62,516 mga drug pushers ang naaresto.

Narekober naman ng PRO3 ang 820,849.15 gramo ng shabu at 1,193,189.98 gramo ng marijuana simula ng Double Barrel Program.

Sang-ayon kay Baccay patuloy ang PRO3 sa kampanya laban sa pinagbabawal na gamot hangga't ito'y ganap na mapuksa.

Saan kaya naman nakakulong ang drug pushers naaresto ng PRO3? Nakakulong pa ba sila hanggang ngayon at nagkasya naman sila sa mga kulungan? Nagtatanong lang po...

*****

Bawal gumamit ng cellular phones habang duty

Mahigpit na ipinagbabawal ni Col. Alvin Consolacion, Pampanga police provincial director sa kanyang "personnel" na gumamit ng kanilang cellular phone habang sila'y duty.

Sang-ayon pa kay Consolacion hindi na kailangan umano ang Police Community Relations (PCR) office kung gagampanan ng bawat pulis ang kanilang trabaho. Bakit naman kaya idi-dissolved? Nagtatanong lang po...

Sa warning naman ninyo Col sa pagbabawal sa paggamit ng cellphone, sino naman ang magmomonitor sa iyong mga PNP personnel kung hindi nga sila gumagamit ng kanilang cellphone kapag naka duty? Nagtatanong lang po...

Matatandaan naupo si Consolacion noong Abril na kung saan election campaign period na at maraming nabigla sa biglaan nitong pag-upo.

Nang maupo si Consalacion sa Pampanga Police Office hindi naging visible sa media personalities? Bakit kaya? Nagtatanong lang po...

Sabi nga ng isang media personality sa inyong lingkod, maraming beses na raw siyang pumasyal sa Pampanga Police Office at hindi ito nakapanyam si Col. Consolacion. Bakit kaya? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph