ITO ang malaking palaisipan sa mga Senior Police Officers, kung pipiliin ni bagong Pangulong Ferdinand "BongBong" Marco,s Jr., na maging Chief PNP nito.

Hanggang sa ngayon si Lt. Gen. Vicente Danao pa rin ang Officer-In-Charge ng PNP. Si Danao ay naupo bilang OIC nang magretiro si Gen. Dionardo Carlos noong Mayo 8, 2022.

Kinabukasan noon ay election period na kaya maraming nagulat sa biglaan pagkakatalaga kay Danao bilang OIC. Ang akala nang senior police officers ay ma-extent si Carlos para tapusin nito ang kanyang preparasyon sa elecksyon.

Naging bulong-bulongan sa PNP na si Major Gen. Rodolfo Azurin ang Senior sa hanay ng mga heneral na maaaring maging next Chief PNP.

Inaasahan din na si Azurin ang maaaring piliin ni Pangulong Marcos, ayon sa mga source ng Dateline.

At inaasahan na sana ihahayag ni Pangulong Marcos pagkatapos ng kanyang inauguration noong June 30 ang kanyang next Chief PNP at ito si Azurin ang kanyang itatalaga.

Subali't hanggang ngayon ay wala pang desisyon yata ang Bagong Pangulo kung sino ang kanyang magiging Chief PNP.

Maraming umaasa na mga Senior Police Officers na si Azurin ang pwedeng maging next Chief PNP dahil sa seniority policy.

Si Azurin ay miyembro ng Philippine Military Academy Class '89.

Sino nga ba ang magiging next Chief PNP?

*****

Bataan Police Office seryoso sa kampanya sa droga

Sunod sunod ang pag-aresto ng Bataan Police Provincial Office sa pamumuno ni Col. Romell Velasco sa mga drug pushers sa kanyang area of responsibility.

Nitong Huwebes lamang umaabot sa Php1.2 milyon halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng Dinalupihan Police sa dalawang naarestong drug pushers nakilalang sina Rogelio Dela Cruz Jr., 37, at Jasmin Faisal Marillo, 30, sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay New San Jose, Dinalupihan.

Nakumpiska sa kanila ang 12 pirasong sachets ng shabu tumitimbang ng 150 gramo na nagkakahalagang Php1.2 milyon.

Isang kalibre .45 nakumpiska sa kanila at Php1,000 marked money.

Congrats Sir Velasco!

*****

Ang suot ng bagong alkalde pinuna ng mga kababayan natin.

Sunod sunod ang oath taking ceremony ng mga nanalong gobernador, alkalde at konsehal sa lalawigan ng Pampanga.

Halos lahat ng kanilang attire ay pawang barong.

Nguni't mayroon isang alkalde ang naiiba ang suot, sabi ng mga nakapunang mga kababayan natin.

Bakit daw parang pupunta sa gala o sa beauty pageant ang alkaldeng ito at hindi sa oath taking ceremony? Nagtatanong lang po...