Sapnu: Balasahan sa mga hepe sa Pampanga

INAASAHAN na ang malawakang balasahan sa hanay ng mga chiefs of police sa Pampanga.

Sang-ayon sa source ng Dateline, anytime daw magkakaroon ng changes sa mga chiefs of police.

Nitong nakaraang linggo si Lt. Col. Henry Bruno chief of police ng Mabalacat City ay ni-relieved ni Col. Alvin Consolacion, Pampanga Police Provincial Director.

Ang pumalit kay Bruno ay si Lt. Col. Protom Guevarra at noong Hulyo 7 nag-courtesy call ito City Mayor Cris Garbo.

Sang-ayon sa mga police officers marami naman daw "accomplishments" si Bruno kaya nagtataka sila kung bakit siya ni-relieve.

Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ni-relieved si Bruno sa Mabalacat City police? Nagtatanong lang po...

Nitong nakaraang May 9 elections, maraming mga bagong alkalde kaya naman inaasahan din ang pagpapalit ng kanilang mga hepe.

Kagaya sa City of San Fernando si Mayora Vilma Caluag ang bagong city mayor.

Si Caluag ang kaunanahang babaeng city mayor ng San Fernando at maaari nitong palitan si Lt. Col. Eugene Marcelo na ilang buwan na rin itong acting chief of police ng lungsod.

O kaya depende rin kung mayroon makikiusap kay Mayora Caluag na di muna ito palitan, ayon sa source.

Sa nakaraang eleksyon, 13 ang mga alkalde ang re-elected samantalang 9 naman ang mga bagong halal.

Sa 9 na mga bagong alkalde inaasahan na papalitan ng mga ito ang kanilang mga hepe.

Sino sino kaya mga hepe ang tatamaan ng balasahan? Nagtatanong lang po...

*****

Isang hamon kay Mayora Vilma Caluag ang kontrobersyal na traffic light.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatanggal ng kinauukulan ang traffic light sa harapan ng Vista Mall sa may Barangay Dolores.

Simula nang tinayo o nilagay ng Department of Public Works and Highways 3 (DPWH3) ang nasabing traffic light na ito ay naging sanhi ito ng trapik sa kahabaan ng MacArthur Highway.

Ang haba ng trapik kung minsan ay nasa Barangay San Isidro hanggang mismo sa harapan ng Vista Mall.

Maraming ng mga motorists ang nagrereklamo sa traffic light na ito dahil kapag naka stop ito ay wala naman lumalabas o pumapasok ng Vista Mall. Biro mo maghihintay pa mga ito na mag go kaya humahaba tuloy ang trapik dito.

Noong termino ni dating Mayor Edwin Santiago hindi nito napatanggal ang nasabing kontrobersyal na traffic light sa Vista Mall.

Kaya naman isang challenge ngayon kay Mayora Vilma Caluag kung maaksiyonan nito.

Abangan po natin ang aksyon ni Mayora kung mayroon?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph