Sapnu: Sino kaya ang maswerteng next Chief PNP?

HANGGANG ngayon wala pa yatang napipiling Chief PNP si Pangulong Bongbong Marcos (BBM)....

Inaasahan lahat ng mga Senior Police Officers noong unang araw ni BBM na ipapahayag na nito ang kanyang napipisil na maging Chief PNP.

Subali't hanggang ngayon ay wala pang desisyon si BBM kung sino ang kanyang manok para maupong Chief PNP.

Nitong Hulyo 13, sa isang National Newspaper iniulat nito na pitong mayroon ranggong general ang kandidato maging next Chief PNP.

Kabilang sa maaaring pagpilian ni BBM sina Lt. Gen. Vicente Danao, PNP OIC; Deputy chief for administration; Lt. Gen. Rhodel Sermonia; Lt. Gen. Manuel Abu, directorial staff chief; Lt. Gen. Rodolfo Azurin, head ng Area Police Command Northern Luzon; Maj. Gen. Valeriano De Leon, Directorate for Operations; Maj. Eliseo Cruz, director ng Criminal Investigation and Detection Group; at Maj. Gen. Felipe Natividad.

Si Danao ay miyembro ng PMA Class '91 samantalang si Sermonia ay Class 1989 at naging Police Regional Office-3 (PRO3) director. Si Azurin ay naging director ng Police Regional Office-1 na kung saan nasasakupan nito ang area ng Ilocos Norte na lalawigan ni BBM.

Malaki ang lamang ni Azurin sa nasabing anim na kandidato dahil siay ay Ilocano at sa April 24, 2023 pa retirement nito.

Si De Leon ay naging director din ng PRO3 at balitang close ito kay Vice President Sara Duterte at sa May 7, 2023 ang kanyang retirement. Samantalang si Cruz ay naging director ng Calabarzon police, Northern Police District at Southern Police District at sa Hunyo 14, 2023 ang retirement nito.

Si Natividad ay naging Calabarzon police chief bago ito naging Metro Manila police commander at sa Agosto 23, 2023 ang kayang retirement.

Dito sa PRO3 sa Camp Olivas, matunog si Lt. Gen. Azurin sa pitong kandidato bilang Chief PNP. Ito'y dahil siya ay Ilocano??? Nagtatanong lang po...

Si Azurin na nga ba ang magiging Chief PNP ni BBM??? Nagtatanong lang po...

SFELAPCO........

Nitong Hulyo 21, nagulat ang ilang nagbabayad ng Electric Bill sa SFELAPCO dahil sa panibagong batayan sa pagbabayad.

Noong wala pang eleksyon hanggang nitong nakaraang eleksyon kahit na umabot na deadline (tuwing 20) ng Bill ay maaari pang magbayad at hindi pa sinasama iyong kasunod na Bill ng buwan.

Ito yata ang ibinigay na pangkusuwelo ng SFELAPCO sa kanyang mga customers dahil mayroon tatakbo.....???

Sabi nga ng spokesperson ng SFELAPCO di na umano tinatanggap ang bayad kapag lumapas ng day 20 dahil iyong na ang deadline. Bakit tanong ng ilang kustomer, alam ba ninyo ang sagot ng spokesperson kasi tapos na ang Elections.

Ang tanong ganito na pala ang sistema sa SFELAPCO...dahil tapos na ang elections balik sa dati ang deadline ng pagbabayad...

Ano po ang masasabi ninyo??? nagtatanong lang po.......

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph