Sapnu: Magkasunod na buy-bust operation 2 drug pushers patay

ANG kampanya sa illegal drugs ay lalo yatang pinag-ibayo ng Bulacan Police at Tarlac Police.

Nitong nakaraang Biernes isang pinaghihinalaang shabu pusher ang napatay ng Bulacan police sa isang buy-bust operation sa Barangay Santor, Malolos City.

Samantalang ang dalawang nitong kasamahan ay nadakip matapos ang armed encounter, ayon kay Col. Charlie Cabradilla ng Bulacan police provincial director.

Sa report, ikinasa ng magkasanib na puwersa ng Bulacan Drug Enforcement Special Unit at Malolos City police ang buy-bust operation laban kay Serwin Thompson, 40, residente ng nabanggit na barangay.

Nakipagpalitan ng putok si Thompson sa mga operatiba hanggang ito'y tinamaan at namatay, ayon kay Cabradilla. Ang dalawang kasamahan nito sina Romeo Estable at Eric Uy ay nadakip.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre .45 na may tatlong bala; dalawang basyo ng bala ng .99m pistol at tatlong big sachets of shabu nagkakahalaga ng Php136,000.00.

At noong Sabado, isang barangay opisyal na nasa listahan ng High Value Target ang napatay ng Tarlac Police matapos itong makipagpalitan ng putok sa mga operatiba sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Ungot, Tarlac City.

Ang napatay ay kinilalang si Frank Martin Bonus, isang barangay councilor ng San Sebastian, Tarlac City, ayon sa police report.

Nang naramdaman ng suspek na ang kanyang ka-trasaksyon mga pulis, binot nito ang kanyang baril at pinutukan nito ang mga operatiba. Matapos ang palitan ng putok, napatay ng mga operatiba si Bonus.

Isang kalibre .9mm pistol armscor, dalawang sachets ng shabu at Php2,000 marked money ang narekober sa suspek.

Mukha yatang nagpapakitang gilas sa kampanya sa illegal drugs ang Bulacan police at Tarlac police...

Ang Bulacan police ay marami naging accomplishments sa illegal drugs mayron na dyan mga casualties nguni't itong Tarlac police ngayon lang yata nagkaroon ng casualty?

Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph