Sapnu: Alin o ano ba ang totoong police report???

NITONG nakaraang Martes, isang notorious na drug pusher at kasabwat nito ang nasakote sa isang buy-bust operation sa Barangay Bodega, Floridablanca.

Sang-ayon sa report ng Pampanga Police Provincial Office (PPPO) isinagawa ang buy-bust operation na pinagsanib mga operatiba ng Special Drug Enforcement Unit; Pampanga 1st Mobile Force Company at Pampanga Intelligence Unit sa Barangay Bodega.

Sang-ayon sa report ng PPPO, dalawa ang kanilang naaresto mga suspek nakilalang Abu-Amen Basher, 39; at Esmail Basher, 32, kapwa taga Marawi City at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Luacan, Dinalupihan, Bataan.

Narekober sa kanila ang isang Toyota Hi-Lux, isang knot transparent plastic ice bag naglalaman ng shabu na may timbang na 57 gramo nagkakahalagang Php387,600 at dalawang Php500.00. bilang marked money.

Sang-ayon pa sa report si Abu-Amen Basher ay isang High Value Individual sa bayan ng Floridablanca.

Sa isang police report nakuha ng Dateline, isang kidnapping at robbery ang nangyari sa Barangay Luacan, Dinalupihan, Bataan, noong Martes dakong 4:00 p.m.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Abu-Amen Basher, 38, at Ismael Basher Amatonding, 25, kapwa residente ng Barangay Luacan.

Sang-ayon sa police report, ang mga biktima ay nasa loob ng kanilang tahanan partikular sa kanilang kitchen nang pasukin umano sila ng 10 katao.

Ang nasabing 10 katao ay sakay ng isang white Mitsubishi Adventure at isang Black Sedan na walang plaka at nagpakilalang mga Philippine Drug Enforcement Agency, ayon sa police report.

Sang-ayon pa sa police report, kinuha umano nila ang 8 cellphones; mga gold jewelries; mga handbags; dumbbells; persian cats; mga ATMs; passbook, mga IDs; cash na Php250,000.00.

Maging ang Toyota Hi-Lux (CAW-5307) ay kanilang kinuha na kung saan doon umano isinakay ang mga biktima patunong direksyon ng Floridablanca, Pampanga.

Sang-ayon sa report, nagsagawa kaagad ng follow-up investigation at operation at flash alarm upang matukoy at maaresto ang mga suspek.

Alin o ano ba ang tunay na police report sa dalawang police report??? Mukhang magkaiba yata??? Nagtatanong lang po...

******************************

24-hour police visibility sa Angeles City

Ang Angeles City government sa pamumuno ni Mayor Carmelo "Pogi" Lazatin ay balak mag-deploy ng mga pulis sa lungsod para sa 24-hour visibility.

Magsisimula ang nasabing pagdedeploy sa Agosto 7 na kung saan napag-usapan sa pagpupulong noong Hulyo 26 sa Sangguniang Panlungsod pinangasiwaan ni IC Calaguas, Mayor's Lazatin Adviser.

Si Col. Diosdado Fabian ng Angeles City police director kabilang ang anim na police stations ay magsasagawa ng "simulation exercise sa Agosto 3 para sa 24/7 police roving activities.

Ang layunin ng 24/7 police officers roving ay upang matiyak ang peace and order sa lungsod at mahadlangan ang anumang krimen.

Magbibigay ng gas allowance ang City Government sa nasabing 24/7 police roving activities.

Sino pa kayang mayor ang mag-iisip o mayroon planong kagaya ni City Mayor Pogi Lazatin??? Nagtatanong lang po......

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph