Sapnu: Walang palakasan system  -  Gen. Azurin

Matatandaan nitong nakarang linggo, naupo na si Major Gen. Rodolfo Azurin bilang ika 28 na Philippine National Police Chief.

Kaya naman sa kanyang pagkaupo ang Major Gen. na ranggo ay naging General na dahil sa apat na Star.

Sa pag-upo ni Ferdinand Bongbong Marcos bilang Pangulo, hindi ito kaagad nakapili kung sino ang next Chief PNP.

Matagal nakapag-desisyon si Pangulo dahil siguro maraming gumagapan o nakiki-usap sa kanya na malalaking tao na ang kanilang "bata" ang pinliin nito.

Subalit, noong pang na elect na si BBM, matunog na ang pangalan ni Azurin na siya ang susunod na Chief PNP.

Sa panunukulan ni Azurin, kanyang ipinahayag na ipagpapatuloy nito ang gera sa illegal drugs.

Maging ang Internal Cleasing Program ay kanyang ipagpapatuloy para malinis ang PNP....

Sa kanyang pahayag, tatapusin din nito ang "palakasan" system sa placement at promotion ng mga police officers.

Naging SOP na kasi ang Palakasan Sytem sa PNP sa mga naghahangad ng magagandang puwesto kagaya ng maging Police Regional Director at Provincial Police Director.

Kasi ang nangyayari sa Palakasan Sytem, iyong talagang "qualified" na police officer ay hindi nagkakaroon ng magandang puwesto sa PNP dahil mayroon malakas na "backer."

Kahit na hindi ito kuwalipikado sa nasabing puwesto ay napipilit na iupo dahil sa kanyang malakas na "backer."

Sa pahayag ni Azurin kanyang tatapusin ang "Palakasan System" sa PNP...

Kakayanin kay ni Chief PNP Gen. Azurin ito??? Nagtatanong lang po...

Marami ng naging Chief PNP, subalit ang "Palakasan Sytem" ay umiral sa kanila....

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph