Sapnu: Matinding balasahan sa mga general - Gen. Azurin

Sa unang pagkakataon (first time in history) nangyari sa Philippine National Police ang matinding balasahan na mga Senior Police Officers na ipinatupad ni bagong PNP Chief General Rodolfo Azurin.

Sa loob lamang ng limang araw matapos ina-point ni Presidente Bonbong Marcos, ilang mga police generals ang binalasa ni Azurin na ikinagulat ng maraming PNP officers.

Take note, maging ang number two at three man sa Command Group ay naapektuhan sa ginawang matinding balasahan ni Azurin.

Sina Lt. Gen. Rhodel Sermonia number 2 man sa PNP ay itinalaga sa Area Police Command-Visayas samantalang iyong dating PNP OIC at number 3 man na si Lt. Gen. Vicente Danao ay itinapon sa Area Police Command sa Western Mindanao.

Biro ninyo naman No. 2 at No. 3 man sa PNP at naging PNP OIC pa ay kung saan saan sila itinapon.. Bakit kay ginawa ni Gen. Azurin?

Iyong ang malaking katanungan sa lahat ng PNP officers?

Ano kaya ang naisip ni Gen. Azurin kung bakit itinapon sina Sermonia at Danao....Mayroon kaya silang ginawang pagkakasala sa kanya??? Nagtatanong lang po...

Matatandaan sina Sermonia, Danao at Major Gen. Val De Leon ay kandidato sa pagka PNP Chief.

Ano kaya ang matinding dahilan kung bakit itinapon ni Azruin sina Sermonia at Danao? Nagtatanong lang po...

Umabot sa 71 Senior Police Officers ang ginawang matinding balasahan ni Azurin na kung saan siya ang una-unang naging Chief PNP na gumawa ng history sa PNP...

Nagkaroon na rin balasaha sa ilang PRO offices

Sina Brig, Gen. Mathew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director at Brig. Gen. Westrimundo Obinque ng PRO1 director ay naapektuhan din sa ginawang balasahan ni Gen. Azurin.

Si Baccay ay bilang bagong PNP Deputy Director for Personnel and Records Managament samantalang si Obinque ay itinalaga bilang PNP Deputy Comptroller.

Sa PRO3 dalawa sa Command Group ang naapektuhan ng balahasan si Col. Jonas Amparo, Deputy Regional Director for Operations at Brig. Gen. Narciso Domingo, Deputy Regional Director for Administration.

Si Col. Jay Reyes Cumigad ang pumalit kay Amparo samantalang si Brig. Gen. Jerry Bearis ang pumalit kay Domingo.

Sang-ayon sa Intelligence Officer ng Dateline, maaaring palitan ang lahat ng Command Group staff...

Siyempre kapag bagong ang PRO3 director, mayroon mga kasama itong mga "bata" nito na iuupo sa mga magagandang puwesto...

Binabati ng Dateline si Brig. Gen. Cezar DR Pasiwen bilang bagong PRO3 director... Congrats Sir.

Related Stories

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph