Sangil: From Davao boys to Ilocos boys...

Noong termino ni dating Pangulong Digong Duterte, halos lahat ng mga senior police officers na itinatalaga sa magagandang puwesto sa Philippine National Police (PNP) ay nanggaling sa Davao City.

Hindi na mabilang ang mga Brig. Gen. at Colonnel mula sa Davao City ang itinalaga sa iba't ibang police regional offices partikular sa Police Regional Office-3 (PRO3).

Magugulat ka nalang kapag may itinalagang bagong PRO regional director at take note karamihan ng mga itong Brig. Gen. ay mga Davao boys...

Ehemplo lang, ang mga naging PRO3 director sa Camp Olivas ay mga natalaga sa Davao City kaya ganoon sila kalakas sa "itaas" para makuha ang magandang puwesto.

At nitong pagkapanalo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., halatang mga Ilocano Boys ang nasa magagandang puwesto sa PNP.

Karamihan sa mga PRO director sa bansa ay binalasa at mga Ilocano boys ang naipuwesto.

Kaya nama ang mga inabutan ng mg bagong RD na mga staff officesr ay kanya din ni-relieve at iyong mga "bata" nito ang ipinuwesto.

Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, ang inabutan na mga Staff Officers ni Brig. Cezar Pasiwen ay kanyang papalitan ay mga "bata" umano nito ang ipupuwesto.

Sa loob ng isang buwan, inaasahan din ang gagawin pag-releave sa mga PD at CD sa rehiyon.

Sino-sino kaya ang tatamaan sa gagawing pag-releave ni Pasiwen na mga Provincial at City police director? Nagtatanong lang po...

Ganito na ba ang sistema sa PNP kapag nabago ang Presidente at Chief PNP... mga "bata" nila ang iuupo sa magagandang puwesto? Nagtatanog lang po...

Abangan po kung sino sino ang tatamaan sa gagawin malakawang balasahan ni BG. Pawisen.

Traffic light sa harapan ng Vista Mall

Maraming natuwang mga motorista sa pagkaka-patay ng traffic light sa harapan ng Vista Mall.

Matagal din nagtitiis ang mga motorista sa perwisyo idinulot ng traffic light.

Kapag naka-ilaw ang red siyempre hihinto ang mga motorista at sa tagal ng red light umaabot ang hanggang Barangay San Isidro ang haba ng behikulong naghihintay ng go.

Biro mo naman wala naman pumapasok o lumalabas na mga bihikulo sa nasabing mall naka Stop lahat ng mga motorista.. Kung tutuusin maaari nama silang mag-go...Di po ba...

Kaya nitong nakaraang araw ipinahinto ang paggana ng traffic light na ikatuwa ng maraming motorista.

Kung tutuusin hindi dapat maglagay ng isang traffic light doon dahil hindi naman ito "intersection" di po ba?

Sa pagtatanong nga Dateline, ang nagpalagay umano sa nasabing traffic light ay isang nakilalang "Villar."

At tanong dito, sino naman ang nagbigay ng pahintulot itayo ang traffic light na iyon na kung saan isang malaking perwisyo sa mga motorista? Nagtatanong lang po...

Dapat lamang na tanggalin na ang traffic light sa harapan ng Vista Mall.

Maraming ng mga netizens ang tumiligsa sa traffic light. At last may aksyon na si Mayora Vilma Caluag.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph