Sapnu: Re-kidnapping ng mga batang babae?

Dahil nagsimula na ang klase ng mga bata, isang nakakatakot na kumakalat na balita na mayroon daw naka Van ang dumudukot ng mga kababaihan.

Totoo man o hindi ang kumakalat na balita, nangangamba ang mga magulang sa kanilang mga anak na babae.

Sa kumakalat na balita, ang mga kidnapper ay ginagahasa umano ang kanilang biktima pagkatapos ay pinapatay.

Kaya naman takot na takot ang mga magulang sa kanilang anak baka maging biktima ang mga ito.

Ang naturang Van ay kunwari magtatanong sa batang babae at sabay hablot ito tapos isasakay sa kanilang behikulo, ayon sa kumakalat na balita.

Nitong Lunes, unang araw ng pasukan, mayroon nagpost sa FB na ang kanyang dalawang anak na babae ay muntik na raw naging biktima ng mga Kidnapper.

Sa FB post nangyari ang insidente sa Barangay San Isidro na kung saan muntik na nadale ang dalawang High School student.

Kaya nanawagan ang mga magulang sa Philippine National Police (PNP) na sana maglagay o magtalaga ng pulis sa bawat paaralan.

Sa pagtalaga ng mga pulis sa mga harapan ng mga paaralan, magdadalawang isip ang mga kidnapper.

Noong Sabado sa isang Post sa FB, dalawang lalaki nagtangkang dukutin ang isang batang babae sa Binan City, Laguna.

Sang-ayon sa report ng pulisya, papalabas ang babae sa kanilang gate sa bahay nang pilit siyang hilahin ng mga suspek at mayroon pa mga itong isang look-out.

Nagsisigaw lang ang babae at naalerto ang magulang kaya tumakbo ang mga suspek. Subalit dahil sa sigaw ang mga residente ay hinabol ang dalawang kidnapper at ginulpi ang mga ito.

Nanawagan ang mga magulang kay Brig. Gen. Cezar R. Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) director, aksyunan kaagad ang mga nangyayaring insidente sa Central Luzon.

Isa nalang tsimenea ang nakatayo?

Matatandaan noong hindi pa nabibili nang Megaworld ang hekta-taryang lupain ng Pampanga Sugar Development Corporation (PASUDECO) at tuloy pa ang operasyon nito, dalawa ang kanyang Tsimenea...

Nguni't ngayon, isa na lang ang nakikita ng Dateline na tsimenea na nakatayo sa nasabing lugar.

Sang-ayon sa source, nang bilhin ng Megaword ang PASUDECO, maryoon ang Local Government Unit (LGU) hindi tatanggalin o aalisin ang dalawang tsimenea.

Ito kasi ang isa sa Landmark ng City of San Fernando..

Nasaan na kaya iyong isang tsimenea? Nagtatanong lang po Megaworld...

Mukhang hindi kayo tumupad sa usapan? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph