Sapnu: Sino pa kayang provincial o city police director ang masisibak

Sa loob lamang ng dalawang linggo nitong Septiembre tatlong police provincial director sa Central Luzon ang nasibak o pinalitan na.

Ang unang sinibak o pinalitan ay si Colonel Jess Mendez, Police Provincial Director ng Nueva Ecija noong nakaraang Biernes (Sept. 2).

Si Colonel (Col.) Richard Caballero ang pumalit sa puwesto ni Mendez bilang Officer-In-Charge. Si Caballero ay dating natalaga sa Administrative Resource Management Division (ARMD) of Area Police Command, Northern Luzon.

Si Brig. Gen. Jerry Bearis, Police Regional Office-3 (PRO3) ang nag-officiate sa nasabing simple turn over ceremony na ginanap sa Nueva Ecija headquarters.

At nitong nakaraang Miyerkules (Sept. 7), na releaved naman si Col. Julio Lizardo, Provincial Director ng Aurora police office at si Col. Myles Pascual ang pumalit sa kanya bilang Officer-In-Charge.

Kasabay din nitong na-releaved sa kanyang puwesto si Col. Charlie Cabradilla, Provincial police director ng Bulacan. Si Col. Relly Anedo ang pumalit din sa kanya bilang OIC.

Mismong si Brig. Gen. Cezar R. Pasiwen, PRO3 director ang personal na nag-officiate sa nasabing turn over ceremony na kung saan ginanap sa Camp Alejo sa Bulacan.

Si Anedo ay dating chief ng Regional Investigation and Detection Management ng Police Regional Office-1 (PRO1).

Ang tatlong Police Provincial Director na-releaved ay naging maiksi lamang ang kanilang termino at madaliang itong pinalitan dahill bago na ang Chief PNP Gen. Rodolfo Azurin.

Siyempre sabi nga ng mga police officer sa Dateline, mga bata naman ni Azurin ang bibigyan nitong "break" at magagandang puwesto na sa PNP.

Alam mo naman Sir di pa rin naaalis ang Bata Bata system sa PNP kahit sino pa ang uupo, pahayag pa ng mga police officer.

Sa obserbasyon ng Inyong Lingkod, halos lahat ng bagong nakaupong mga police provincial director ay pawang dating nakatalaga sa PRO1.

Sa makatuwid binigyan ni Gen. Azurin ng magagandang puwesto ang kanyang mga "bata"? Nagtatanong lang po...

Sino sino pa kaya ang susunod na masisibak o mapapalitan ng provincial at city police director? Nagtatanong lang po....

*****

Binabati ng Dateline si Atty. Agnes VST Devanadera ang bagong Clark Development Corporation (CDC) president and chief executive officer.

Si Devanadera ay kauna-unahang babae CDC President at CEO.

Pinalitan ni Devanadera si Retired Brig. Gen. Manuel Gaerlan.

Welcome po Atty!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph