Sapnu: 5 katao na kinidnap, nasaan na nga ba?

Kamakailan lumapit ang mga magulang at kamag-anak ng ng limang kataong pinaghihinalaan kinidnap kay Mabalacat City Mayor Cris Garbo.

Ang limang nawawala ay kinilala sina Finest Nathaniel Mendoza, 37; Nomer Gonzales, 59; Jonjon Flores, 28; Alexander Euperio, 45; at isang nakilalang lamang na alyas "Warlie."

Ang missing persons ay di-umano kinidnap noong Agosto 21 sa Pineda compound sa Barangay Dau, Mabalacat City. Mga armadong lalaki pawang nakasibilyan ang tumangay sa kanila.

Sa paglapit ng mga magulang at kamag-anak ng missing persons, inatasan ni Mayor Garbo ang Mabalacat police na hanapin ang mga ito.

Hanggang sinusulat ang Kolum na ito, ayon sa mga kamag-anak ng mga nawawala di parin natatagpuan ang mga ito.

Wala pa umano malinaw na report kung sino ang mga dumukot sa kanila at kung ano ang mga kaso.

Kung di siguro humingi ng tulong ang mga magulang ng mga biktima kay Mayor Garbo di malalaman na mayroon nawawalang limang katao.

Ang nakapagtataka dito, bakit daw walang police report ukol sa 5 missing persons? Nagtatanong lang po...

At bakit hanggang sa kasulukuyan wala pa rin nire-report ang PNP ukol dito? Nagtatanong lang po...

*****

E-sabong sa Pampanga?

Mayroon pa rin E-sabong operation nagaganap sa Pampanga.

Noong Sept. 16, pitong katao ang inaresto ng Pulisya dahil sa E-Sabong na kung saan nagaganap sa Barangay Telepayong, Arayat.

Sang-ayon kay Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) director, hinuli ng Arayat police ang mga ito habang nagaganap ang E-sabong operation sa naturang lugar.

Nakumpiska sa mga ito ang E-sabong paraphernalia; C25Y Realime Cellpone; 49" TCL TV at P33,000 cash.

Sinampahan ng illegal gambling ng PNP ang mga suspek.

Hindi pa rin nahihinto ang E-Sabong at may patagong nag-ooperate nito.

*****

Nakikiramay ang Dateline sa pagpanaw ng batikang broadcaster John Susi.

Pumanaw si Susi noong Sept 16 sa idad na 57.

Miyembro din si Susi ng Capampangan In Media Inc.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph