Sangil: BALIK TANAW SA MARTIAL LAW

Bilis ng panahon. Martial law noon. At Septyembre 21, 1972 noong iproklama ang batas militar. Si Ferdinand E. Marcos ang nakaupong presidente. Ito ang naalaala ko. Tumino ang bayan sa umpisa.(kalaunan nakita ang abuso ng maykapangyarihan kaya pumalag ang taong bayan). Pag mahaba ang buhok at nahuli ng konstable, gugupitin. Walang mahabang ala Beatles ang buhok. Pati na nga ang mga opisyales sa Bureau of Customs na bago mag martial law ay kung mananghali sa magagarang restoran ay nagparasyon na lang ng pagkaing nakapumbrera.

Laki ng takot ng mamayan. Kung ano ang ipinag-uutos siyang nasusunod. May curfew. Lahat ng nasa kakarsadahan pagpitada ng hatinggabi ay hinuhuli. Kaya ligtas ang mga bumibiyahe kapag may curfew pass. At huwag kang magbiro na masama sa sa pagdinig ng Malacanang, at salungat sa mga patakarang pinapatupad.

Naalaala ninyo na ayon daw, itong si Ariel Ureta, isang host noon ng isang TV show ay nagbiro diumano at nagsabi na 'para umunlad ang bayan, bisikleta ang kailangan. At ang sumunod, hinuli daw siya ng mga konstable at maghapong pinag-bisikleta sa Kampo Crame. Ganiyan kahigpit ng mga unang buwan ng martial law. Kwidaw ka at huwag basta basta magbibiro at parusa ang katapat. ( Sa ibang pagkakataon natin pag-usapan ang mga human rights at political issues).

Tama disiplina ang kailangan kahit anong panahon. Subali’t Alalaon baga nilipad ng hangin ang disiplina ng mga Pilipino, ma bata o matanda. Mabubwisit ka talaga kung ikaw ay nakasakay sa isang pampasaherong sasakyan. Paparada kahit saan. Magbaba at magsasakay ng pasahero sa gitna ng karsada. May mga traffic enforcers pero kahit nakikita ang mali, parang wala lang. Kahit noong kasagsagan ng pandemic marami ayaw mag- pabakuna, mag-face mask and observed physical distancing.

Kapag walang enforcement at hindi pinapatawan ng karampatang parusa ang lisyang gawa, eh talagang magkakaroon anarkiya sa isang pamayanan. Bakit sa Singapore, ipinagbawal ang pagdura sa karsada, pagtapon ng anumang basura gaano man kaliit, paninigarilyo sa mga publikong lugar at pag nguya ng chewing gum ang lahat ay sumunod? Kasi may enforcement. May parusa. May multa, may kulong.

Mga kababayan natin na nakarating na sa ibang bansa, Lalo na sa Japan doon masasaksihan ang todo disiplina ng kanilang mamayan. No wonder ika Japan is highly progressive. Nito kayang panahon ni Ferdinand‘Bongbong’ Marcos May aasahan kayang pagbabago. A dramatic change. Hindi lang sa pankabuhayan, maging sa pagiging disiplanadong mamamayan? Siguro kailangan umpisahan yan ng May kapangyarihan. Sila ang magbibigay ng halimbawa.

Related Stories

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph