Inaasahan na mga hepe sa mga bayan at lungsod sa Central Luzon kasunod ng mga bagong upong Police Provincial at City Police Directors.

Ito ang nagiging SOP, kapag bago ang nakaupong Police Provincial at City Police directors tiyak magaganap ang malawakang balasahan sa hanay ng mga Chiefs of Police (hepe)

Matatandaan sunod sunod na ang ginawang pag-releaved sa mga PDs/CDs.

Ang bagong naupo ay sina Col. Richard Caballero ng Nueva Ecija; Col. Relly Anedo ng Bulacan; Col. Myles Angel Pascual ng Aurora at Col. Juritz Raga ng Angeles City.

Ang pinalitan ng mga PDs/CDs walang pang isang taon ang kanilang naging termino sa kanilang area of responsibility.

Kaya sa pagka-kaupo ng mga bagong Police Director, inaasahan ng mga hepe sa rehiyon ang malawakang pagbalasa sa kanilang hanay.

Inaasahan ang mga iuupong hepe ng mga bagong PDs/CDs ay iyong kanilang mga "bata."

Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, marami na raw mga hepe ang kanya-kanyang lakad upang hindi sila masama sa pagbalasa.

Mayroon pa daw dyan ang bumisita kay Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) upang di masama sa balasahan.

Mayroon pa rin daw lumalapit sa mga alkade upang i-request sa mga bagong PDx/CDs na huwag sila i-releaved sa kanilang puwesto...

Sino-sino kaya mga hepe ang maaapektuhan sa malawakang balasahan??? Nagtatanong lang po...

Dapat ba mangyari ang malawakang balasahan kapag bago ang mga bagong installed PDs/CDs??? Nagtatanong lang po..

Bakit hindi pa rin mabago ang sistema sa PNP..

Simula nang di na nag-operate ng Traffic Light sa Vista Mall

Naging maayos ang flow ng traffic sa kahabaan ng Mc Arthur highway mula sa St. Jude sa Barangay Dolores hanggang Barangay San Isidro.

Ito'y matapos hindi na nag-operate o pinagana ang Traffic Light sa may harap ng Vista Mall sa Barangay San Agustin.

Ang tagal nagtiis ng mga motorista sa grabeng trapik nangyayari sa nasabing highway simula nang itinayo umano ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ilan taon din ang grabeng trapik noon at marami ng netizens ang bumabatikos sa nasabing traffic light at maging ang Iyong Lingkod dahil hindi naman ito dapat mailagay doon.

Maging ang dating City Mayor Edwin Santiago walang nagawa upang ipatanggal ang nasabing Traffic Light na malaking perwisyo sa mga motorista.

Buti na lang binigyan kaagad ng Aksyon ni City Mayor Vilma Caluag ang nasabing Traffic Light...

Good job po..