Sapnu: Pagpatay kay Dipaculao vice-mayor at 2 iba pa, hindi pa nareresolba

Matatandaan noong nakaraang Lunes (Oct. 3) tinambangan ng di-kilalang armadong lalaki si dating Dipaculao vice-mayor Narciso Amansec sa Barangay Dibutunan, Dipaculao, Aurora.

Kasama ni dating vice mayor at naging dating board member ang kanyang maybahay na si Merlinda sakay na Izusu D-Max minamaneho ni Leonard Calusa.

Sa nasabing pananambang nasawi din ang maybahay nito na dating guro at maging ang drayber, ayon sa police report.

Maraming tama ng bala ng baril ang tinamo ng kanilang behikulo, ayon pa din sa report.

Bilang reaksyon ni Brig. Gen. Cezar R. Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) director, personal itong nagpunta sa Aurora police kasama si Col. Jay Cumigad, Deputy Regional Director for Operations upang mismo ang malaman ang tunay na pangyayari.

Itinalaga naman ni Pasiwen si Cumigad bilang head ng Special Investigation Task Group (SITG) Amansec para sa masusing imbestigasyon at para sa pagkilalan at pag-aresto sa mga suspek.

Hanggang sinusulat ang kolum na ito, wala pang naarestong mga killers ang SITG.

Medyo mabagal yata ang magiging solusyon ng nasabing pananambang at pagpatay kay vice-mayor at dalawa pa? Nagtatanong lang po...

Wala pang follow-up report ang Aurora police office sa nasabing shooting incident. Bakit kaya? Nagtatanong lang po...

*****

Joint RAGPTD at PNP TWG meeting

Noong Miyerkules (Oct. 5) ng pangpupulong sa pagitan ng Regional Advisory Group Police for Transformation and Development (RAGPTD) at PNP Technical Working Group (TWG).

Sa nasabing pagpupulong si Angeles City vice-mayor Vicenta Vega-Kabigting ang nag "call to order" para panimula ng meeting.

Maraming napag-usapan sa pagpupulong kabilang na ang Environmental; Planting of Trees at pagbibigay ng Tumbler sa lahat ng PNPpersonnel at Non-Uniformed Personel sa Police Regional Office-3 (PRO3) headquarters.

Makikipag-ugnayan ang RAGTD members sa Department of Environment and Natural Resouces (DENR) para mabigyan ng government land na maaaring pagtaniman. Hindi lang pagtatanim ang gagawin ng RAGTD kungdi maring ang pag-aalga sa mga tinamin na mga puno.

Napag-usapan din ang paglalagay ng Landmark sa pinagawang gusali ni Dr. Reghis Romero para sa RPMU. Dapat nakalagay ng pangalan ni Dr. Romero.

Sa pagpupulong nag oath taking ang bagong miyembro ng RAGPTD ang negosyante na si Bernardo Cruz.

Ang mga miyembro ng PRO3 RAGPTD kabilang sina Angeles City vice-mayor Vicenta Vega-Kabigting (Chairperson); Dr. Dulce Cochon (vice-chairperson); Dr. Rowena Mangubat; Enrique Sapnu; Reynaldo Malig; Dr. Reghis Romero II; Dr. Ireneo Alvaro Jr.; Erwin Dizon; Rev. Fr. Victor Nicomedes Nicdao; Dir. Juliet Raneses; Engr. Roland Pena; Hon. Kaye Ann Legaspi; at si Bernardo Cruz.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph