Sapnu: Tatlong suspek sa pagbaril at pagpatay kay ex-vice mayor Dipaculao...

Noong nakraang linggo, sinampahan ng kasong murder ang tatlo suspek na pumatay kay Dipaculao ex-vice mayor Narciso Amansec.

Ang mga suspek ay kinilala ng mga saksi sa pamamagitan ng Rouge Gallery ng Dipaculao Police Station, ayon kay Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) director.

Sa pinarating na report ni Col. Myles Angel Pascual, acting provincial police office ng Aurora, kinilala ng mga pasahero ng isang bus passenger ang mga suspek nang ipakita nila ang larawan ng Gallery.

Sang-ayon kay Pascual nakita umano ng mga pasahero ang mga suspek na sila ang bumaril sa dating alkalde, asawa nito at ang draybe.

Kaya naman dahil nakilala na ang mga suspek, sinampahan kaagad ng kasong Murder na sina Reynaldo Jordan ng Barangay Bahay Pare, Candaba; Jhonny Madla ng Barangay San Juan North, Cabiao, Nueva Ecija at isang John Doe.

Isang sworn affidavit ang pinirmahan ng mga nasabing bus passengers sa Dipaculao police kaugnay sa nasabing shooting incident.

Matatandaan noong nakaraang Lunes (Oct. 10) pinagbabaril ng mga suspek ang Isuzu D-Max na kung saan nakasakay si Amansec at asawa nito patungo ng Barangay Dibutanan, Dinaculao, Aurora.

Namatay ang dalawa maging ang kanilang drayber.

Nsampahan nga ng kasong Murder ang tatlong suspek nguni't di pa rin sila naaaresto ng Dipaculao police???

Nag-ibang bansa na ba sila? Bakit di pa rin sila natatagpuan? Nagtatanong lang po...

E- Sabong nilunsad ulit?

Magkakaroon umano ng Grand Opening ng E-Sabong.

Mukhang ibabalik ang E-Sabong ni Mr. Ang at nagkaroon ng dry run nitong nakaraang Oct 8 na kung saan isinabay sa 100 days Pangulong BBM, ayon sa source ng Dateline.

At nitong nakaraang Sabado ang Grand Opening ng E-Sabong ni Ang.

Sang-ayon sa source, di raw maaaring pigilin ang Opening ng E-Sabong dahil permit na si Ang galing mismo umano kay Atty. Ermar Benitez, Officer-In-Charge ng Games and Amusement Board

Aprub kaya ng Malacanang ang pagbubukas muli ng E-Sabong? Nagtatanong lang po...

Si dating pangulong Rodrigo Duterte ay ipinatigil o ipinasara ang E-Sabong dahil maraing mga kakabayan natin ang naghihirap dahil palaging talo at maging iyong mga kabataan ay nalulong dito.

Ngayon ay bububksan mulit? Nagtatanong lang po...

Sa pagbabalik ng E-Sabong marami na naman mga kababayan natin ang maghihirap at maaaring gumawa ng iligal upang mayroon lamang pantaya..

Abangan po natin ang pagbabalik at kung sino sino ang makikinabang dito?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph