Sapnu: Col. Basilio itinalaga bilang OIC ng Pampanga Police

Nitong nakaraang Sabado (Oct. 22) itinalaga bilang Officer-In-Charge ng Pampanga Police Provincial Office (PPPO) si Col. Levy Hope Basilio.

Halos hapon nangyari ang turn-over ceremony na kung saan personal dumalo si Brig. Gen. Cezar R. Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) director.

Ginanap ang change of command sa Bale Katimawan sa PPPO at lahat ng mga hepe (chiefs of police) sa Pampanga ay dumalo sa nasabing aktibidades.

Pinalitan ni Col. Basilio si Col. Alvin Consolacion na nagserbisyo ng halos pitong buwan sa kanyan termino.

Bago naging OIC ng PPPO si Basilio, siya ay nakatalaga sa Police National Capital Region.

Siya (Basilio) ay naging chief of police ng Guagua, Porac at City of San Fernando na ayon sa record nito ay maraming itong big accomplishments kaya siya ang itinalagang OIC ni Brig. Gen. Pasiwen.

Natatandaan pa ng Dateline na itong si Col. Basilio ay maraming big accomplishments sa kampanya kontra krimen at sa illegal drugs. Noong hepe ng City of San Fernando si Basilio di na mabilang ang natanggap nitong awards sa local government's unit.

Sa pagkakatalaga bilang hepe ng Guagua, Porac at City of San Fernando alam na ni Col. Basilio ang sitwasyon sa Pampanga.

Si Col. Basilio ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Magilas Class 2000.

Naging chief ng Regional Police Strategy Management Unit (RPSMU) si Basilio ng PRO3 noong termino ni Brig. Gen. Raul Petrasanta noong 2015.

Binabati ng Inyong Lingkod ang bagong OC ng Pampanga Police Provincial Office na si Col.Levy Hope Basilio...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph