Sapnu: Inaasahan pagbalasa sa mga COPs

Sa pag-upo ni Col. Levi Hope Basilio bilang Officer-In-Charge ng Pampanga Police Provincial Office (PPPO) noong nakaraang Sabado, inaasahan ang gagawin nitong pagbalasa sa kanyang mga inabutan na Chiefs of Police.

Ito ang Standard Operating Procedure (SOP), kapag bago ang PPPO OIC, tiyak na magkakaroon ng balasahan sa hanay ng mga hepe sa Pampanga.

Sa tagal ng Inyong Lingkod sa pagkober sa Philippine National Police (PNP), palaging ganito ang nagiging sistema kapag napalitan ang PPPO provincial director.

Siyempre ang dating Chiefs of Police sa lalawigan ay mga "bata" ni dating Col. Alvin Consolacion ang pinalitan ni Col. Basilio.

Kaya naman ang mga hepe ngayon ay kanya-kanyang lakad upang hindi sila maaepektuhan sa inaasahan pagbalasa na posibleng gawin ni Col. Basilio.

Mayroon na dyan lumalapit sa kani-kanilang mga alkalde o dili kaya sa maaaring di matanggihan ni Col. Basilio na hindi sila masama sa pagbalasa.

Sa kanyang mensahe noong turn-over, ipinahayag ni Col. Basilio na kanyang itutuloy ang nasimulan ni Col. Consolacion sa peace and order situation sa lalawigan.

Abangan natin ang mga maaapektuhan sa posibleng gagawin pagbalasa ni Col. Basilio at sino sinong mga hepe ang maaapektuhan?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph