Sapnu: 5,000 pulis dineploy para sa Undas 2022

Umaabot sa 5,000 miyembro ng Philppine National Police (PNP) ang ideneploy simula noong Linggo.

Ayon kay Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ang mga nasabing pulis ay idideploy sa iba't ibang lalawigan para matiyak ang kaligtasan ng publiko na dadalaw sa kanilang mahal na buhay sa mga sementeryo sa rehiyon.

Umaabot sa 678 na public at private cemeteries sa Central Luzon ang itatalaga na mga pulis dito, ayon pa kay Pasiwen.

Bukod sa mga sementeryo, inatasan din ni General ang lahat mga pulis na bantayan ang mga transport terminals.

Sang-ayon pa kay Pasiwen, mayroon din itatayong Motorist Assistance Centers at pagkakatalaga ng Safey Marshals sa mga pangunahing kalsada sa rehiyon.

Inatasan din ni Pasiwen ang lahat ng Provincial at City police directors na patuloy silang magsagawa ng police focused operations.

Si Col. Jay Cumigad, deputy regional director for operations ang inatasan ni BG. Pasiwen na personal itong mag-inspeksyon sa iba't ibang sementeryo sa rehiyon.

Inatasan din ni Pasiwen si Cumigad na mag-inspeksyon sa mga bus terminals at convergence areas.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph