Sapnu: Peaceful ang nakaraang Undas - BG. Pasiwen

Nitong nakaraang Undas 2022 naging peaceful at walang nangyaring anumang insidente.

Ito ang pinagmalaki ni Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) director, na walang untoward incidents ang nangyari sa buong rehiyon nitong nakalipas na Undas.

Sang-ayon kay Pasiwen, matatandaan libo-libong kababayan natin ang nagsidalaw sa kanilang yumaong mahal nila sa buhay sa mga sementeryo sa rehiyon at dahil sa mahigpit na ginawang security measures ng PNP ay walang nangyaring untoward incidents.

Maging sa mga pangunahing lansangan sa rehiyon ay wala din nangyaring aksidente o anumang sakuna ito'y dahil sa ginawang preparasyon ng iba't ibang Provincial at City police directors para matiyak ang safety ng mga motorista.

Dalawang linggo bago ang Undas ay nagkaroon ng paghahanda ang iba't ibang police officers sa rehiyon sa kanilang kanya kanyang preparasyon sa Undas, ayon pa kay Pasiwen.

Personal na inspeksyon si BG Pasiwen sa mga private at public cemeteries para tignan kung ipinatutupad ng kanyang mga police directors ang kanyang direktiba.

At dahil sa mahigpit na siguridad na ginagawa ng PNP sa mga cemeteries, umaabot sa 84 mga uri ng patalim, 27 alak, 6 na gambling paraphernalia kagaya ng baraha at 7 iba pang pinagbabawal sa loob ng sementeryo ang nakumpiska.

Matatandaan Oktobre 29 umaabot sa 5,000 na PNP personnel ang ideniploy sa iba't ibang sementeryo sa rehiyon na naging epektibo para maging peaceful ang Undas, ayon pa kay Pasiwen.

Congratas PRO3 BG. Pasiwen.....

***
HVI sa illegal drugs naaresto...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph