Sapnu: Dahil bermoth na inaasahan ang pagtaas ng hold-up incidents

Tuwing nalalapit na ang Pasko, inaasahan pagtaas ng bilang mga hold-up incidents.

Ito ang naoobserbayan ng Philippine National Police (PNP) na kapag palapit na ang Kapaskuhan tiyak maraming ng mga ulat ukol sa hold-up incidents sa rehiyon.

Nitong nakalipas na dalawang taon na kung saan panahon ng matinding Covid-19 virus walang gaanong nailulat na hold-up incidents dahil takot yata lumabas ang mga holdaper.

At ngayon taon ito halos nawawala na ang Covid-19 virus may lakas ng loob ang mga kawatan na posibleng umatake na naman nitong nalalapit na Pasko.

Panahon din umaatake ang mga Ridinf-In-Tandem na maabilis tumatangay ng mga bag at humablot ng mga alahas kagaya ng kuwintas at maging relo..

Ito ang malamit na mangyari nitong nalalapit Kapaskuhan na kung saan maraming kawatan maglilipana at mag-ooperate para sa easy money.

Kaya naman pinag-iingat ni Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) director na mag-ingat ang publiko.at laging alerto...

*********************************************************************************

Parang nasa Metro Manila kana sa sobrang trapik sa CSF

Nagmumukha na rin Manila ang City of San Fernando dahil sa grabeng trapik.

Sa umaga lamang sa pagpasok sa trabaho at paaralan ng mga bata grabeng trapik ang mararansan simula sa Barangay San Isidro hanggang sa Barangay Poblacion.

Sabihin mo pa ang pagpasok sa St. Scholastica ng mga mag-aaral sa umaga grabe ang dinudulot na trapik ng mga behikulo pumapasok at lumalabas sa kanilang gate.

Halos yata lahat ng mga mag-aaral dito hinahatid ng kotse kaya naman nagtambakan ang mga ito sa labas at papasok ng paaralan.

Kahit na mayroon mga traffic enforcer na nagmamando sa daloy ng trapik ay hindi nila makayanan dahil sa dami ng mga behikulo.

Kaya naman ang grabeng trapik dito ay mula sa Barangay San Isidro hanggang sa St. Jude sa Barangay Dolores.

Wala ba maaaring maging alternitibong kalsada palabas at papasok ang St. Scholastica para hindi ito maging sanhi ng grabeng trapik? Nagtatanong lang po..

Pagdating naman sa Intersection sa Barangay Dolores, magsisimula din ang grabeng trapik hanggang sa Barangay Poblacion dahil sa ginagawang kalsada ng Department of Public Works and Highways.

Halos usad pagong ang mga behikulo dito lalo na sa rush hours...

Ito na ba ang magiging next Metro Manila dahil sa grabeng trapik? Nagtatanong lang po...

**********************

Binabati ng Dateline ang ating butihin Mayora Vilma B. Caluag sa kanyang kaarawan noong Linggo...

Happy Birthday po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph