Sapnu: Peace and Order sa CL maayos

Matatandaan naupo noong Agosto 16, 2022 si Brig. Gen. Cezar Pasiwen bilang Police Regional Office-3 (PRO3) acting director.

Pinalitan niya noon si Brig. Gen. Mathew Baccay na kung saan natalaga naman sa PNP National Headquarters sa Camp Crame.

Sa pag-upo ni Pasiwen naging maayos ang Peace and Order sa Central Luzon. Ito'y dahil sa malawakang kampanya nito sa laban sa krimen at iba pang iligal na aktidades.

Sa kampanya nito sa illegal drugs, di na mabilang ang mga naaresto ng PRO3 na mga shabu pushers at malaking halaga ng shabu at marijuana nakukumpiska ng iba't ibang Provincial at City police officers sa rehiyon.

Ang latest na report sa kampanya nito sa wanted persons at illegal drugs mula October 31 hanggang November 6, umaabot sa 500 katao ang naaresto ng PRO3 sa Central Luzon.

Umaabot sa 90 drug personalities ang naaresto sa illegal drugs samantalang ang ibang naaresto ay pawang wanted persons, ayon kay Pasiwen.

Marami na din mga active at dating NPA rebels ang nagsisuko simula nang maupo si BG. Pasiwen.

Iyong ibang mga rebelde naman ay piniling bumalik loob sa pamahalaan sa maraming kadahilanan, ayon sa report.

Sa patuloy ng PRO3 Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) at kampanya nito sa laban sa terorista umaabot sa 204 miyembro ng Alyansang Manggagawa Bukid ng Gitnang Luzon ang nagsisuko noong nakaraang buwan, ayon pa kay Pasiwen.

Sang-ayon kay BG. Pasiwen, kanyang ipagpapatuloy ang kampanya sa laban sa krimen at illegal drugs...

Halos apat na buwan nakaupo si Pasiwen at naging Peaceful at Orderly ang Central Luzon.

Mabuhay po kayo sir Pasiwen...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph