Sapnu: Pinag-iingat ang publiko sa theft at robbery

Dahil Holiday season na inaasahan ang maghahasik ang mga kawatan ng kanilang iligal na gawain.

Kagaya ng robbery at theft na madalas na mangyayari dahil sa papalapit na Pasko, ayon sa PNP report.

Tuwing Holiday seasons tumataas ang bilang ng mga robbery at theft incidents sa bansa. Ito'y batay sa police reports na kung saan madalas mayroon insidente ng robbery at theft.

Kaya naman pinag-iingat ng PNP ang publiko sa mga kawatan o masasamang elemento na maghahasik ng kanilang gawain nitong nalalapit ang Pasko.

Nanawagan si Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) director na maging alerto sa lahat ng oras kapag kayo ay mamimili o magsho-shopping sa mga mall.

Kung maaari huwag magdala ng malaking halaga at huwag magsuot ng mamahaling alahas na kung saan maging dahilan ng mga kawatan upang kayo ay maging target nila, paalala pa ni Pasiwen sa publiko.

Huwag na huwag din mag-iiiwan ng mahahalagang bagay sa loob ng behikulo para maiwasan ang mga tinaguraing Bukas Kotse Gang.

Iparada din ang iyong mga behikulo sa maliwanag at kung maaari iyong nakikita ng mga security guards sa mga mall, dagdag pa ni BG Pasiwen.

At kapag nagsho-shopping kung mayroon kahinahinalang sumusunod sa inyo at pumunta sa mataong lugar at magsumbong sa mga otoridad.

Ito ang ilan lamang sa mga paalala ni BG. Pasiwen sa publiko nitong nalalapit na Pasko...

1st PEKA Awards ng CAMI

Sa Nobiyembre 25 gaganapin ang kauna-unhang PEKA sa Royce Hotel and Casino sa Clark Freeport Zone.

Ang Capampangan In Media Incorporated (CAMI) ay magbibigay ng Awards sa ating mga kabalen na mayroon "great influnce" at contibution sa progreso ng mga Kapampangans.

Ang PEKA Awards ay isang aktibidades upang bigyan ng "honor" ang mga Kapampangans.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph