Pinangunahan ni Brig. Gen. Cezar R. Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) director ang paglunsad ng programang BIDA (Buhay Ingatan, Drogay's Ayawan) ginanap sa PRO3 headquarters sa Camp Olivas, Pampanga, kamakailan.

Ito;y programa ng Department of Interior and Local Government at Pampanga Police Provincial Office, ayon kay Pasiwen.

Ang BIDA program ay anti-illegal drugs advocacy program ng local government units, national government agencies at iba pang sektor ng society.

Layunin ng BIDA ang mapahinto ang iligal na droga. Kabilang sa mga ahensya sa nasabing programa ang PNP, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang sektor.

Hinihimok ni BG Pasiwen ang publiko na maging advocates ng BIDA program para ganap na mapahinto ang problema sa illegal drugs sa bansa..

Inaasahan ng publiko ang BIDA program na ipapatupad ng lahat ng sangkot na mga ahensya ng pamahalaan lalo na ang PNP at PDEA..

Abangan po natin ang BIDA program kung magkakaroon ng magandang resulta.....

*****

Former Pres. Arroyo ginawaran ng PEKA award

Si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA) at kasalukuyang representante ng 2nd District ng Pampanga ang kabilang sa mga ginawaran ng PEKA awards ginanap noong Biernes (Nov. 25) sa Royce Hotel sa Clark Freeport.

Ang nabigyan ng Lifetime Highest Excellence Awardees ay sina dating Pangulong Arroyo sa government; Mercy Arrastia-Tuazon (Foreign Service); Manuel Pangilinan (Business); Dr. Emmanuel Angeles (Education); Fides Cuyugan-Asensio (Performing Arts); Prof. Randolf "Randy" David (Journalism); George Samson (Humanitarian); Benecdito "Ben Cab" Cabrera (Visual Arts); Brig. Ret. Brig. Gen. Romeo David (Uniformed Service); Maria Beatrz Tesoro (Fashion); Cripulo Icban (Special Award).

Ang Lifetime Awardees as Most Dedicated Patrons of Kapampangn Arts and Culture ay sina Hon. Edgardo Pamintuan; Rene Romero; Peter Nepomuceno; Amando Tetangco Jr.,; Tarlac Gov. Susan; Hon. Yolanda Pineda; Estelito Mendoza; Liberato Laus (Posthumous); Hon Bren Z. Guaio (Posthumous) and Hon. Carmelo "Tarzan" Lazatin (Posthumous).

Ito ang First PEKA awards na ibinigay ng Capampangan In Media Inc. (CAMI) bilang pagbibigay ng Honor sa mga Kapampangan...

Sa next year maaaring magbibigay ulit ang CAMI ng awards...

*****

Regional Advisory Group for Police Transformation and Development (RAGPTD) meeting.

Noong Biernes (Nov. 25) ginanap ang 6th meeting ng RAGPTD sa PRO3 Stakeholders Lounge sa Camp Olivas.

Si Brig. Gen. Gerry Biares, Deputy Regional Director for Administration at chairman ng PRO3 Technical Working Group ang dumalo sa nasabing meeting.

Dumalo sa nasabing pagpupulong sina Dr. Reghis Romero; Mr. Rey Malig; Bernie Cruz; Rox Pena; Engr. Lorenzo Tolentino (rep. ni Erwin Dizon), Fr. Nicomedes Nicdao, Dr. Ireneo Alvaro Jr, at Inyong Lingkod.

Dumating din si Brig. Gen. Cezar Pasiwen PRO3 director para makilala nito ang mga miyembro ng RAGPTD.

Isang lunch ang inihanda ni Pasiwen sa nasabing pagpupulong...

Naging agenda ng RAGTPD ang pagbibigay ng Tumbler sa PNP personnel pawang nakatalaga sa PRO3 headquarters ang unang bibigyan nitong Disyembre..