Sapnu: Dalawang pulis pinatay ng gunmen

Noong Sabado ng madaling araw nagsagawa ng isang buy-bust operation sina PSMS Sofronio Capitle Jr., at PSSG Dominador Gacusan Jr., pawang miyembro ng Mabalacat City police station.

Hindi akalain ng dalawang pulis na sila'y pagbabarilin ng limang armadong lalaki habang nagsasagawa ng buy-bust operation sa Barangay Dau, Mabalacat City.

Namatay ang dalawang nabanggit na pulis dahil sa tama ng bala sa kanilang katawan, ayon sa police report.

Tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo, ayon pa sa report.

Wala pang 24 oras, tatlong sa mga suspek ang naaresto ng police operatives sa Barangay Dau na nakilalang sina Jun Jun Espirity Baluyut, 44 ng Barangay Tabun; Aries Espiritu Bagsic, 40, ng Barangay Lakandula' at Leslie Placiente, 30, ng Barangay Dau, pawang sa Mabalacat City, ayon kay Col. Levi Hope Basilio, Pampanga police acting provincial director.

Narekober sa kanila ang isang Honda click na may bloodstains na ginamit ng mga suspect sa pagpaslang sa dalawang police officers.

Isang cohort ng mga suspek ang napatay ng mga operatiba sa isang checkpoint sa kahabaaan ng Mcarthur highway sa Mabalacat City. Kinilala ni Basilio ang napatay na si Kiel Patrick Chua alias "Kelkel" at isang kalibre .45 pistola ang narekober sa kanya.

Sang-ayon kay Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) director, inatasan nito si Basilio na magsagawa ng malawakang "manhut operation" kina Kenneth Flores, leader umano ng gruo at isang nagngangalan alias "Pusa.

Binati ni BG Pasiwen ang Pampanga Police sa agarang pagkakahuli ng mga ito sa tatlong suspek.

Chief PNP Gen. Rodolfo Azurin at BG Pasiwen "paid their respects" sa dalawang police officers at nagbigay ng financial assistance sa kanilang mga pamilya.

Sa kasalukuyan di pa rin nahuhuli sina Flores at Pusa.

Sang-ayon sa mga police officers nakausap ng Dateline, nagtataka lamang daw sila bakit walang back-up mga operitiba ang dalawang pulis? Nagtatanong lang po sila...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph