Sapnu: Pag-ispeksyon ni Azurin at Pasiwen sa mga tindahan ng paputok

Noong Disyembre 6, nag-inspeksyon sina Chief PNP Gen. Rodolfo Azurin Jr., at Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) director sa mga tindahan ng paputok sa lalawigan ng Bulacan.

Partikular na pinuntahan nina Azurin at Pasiwen ang bayan ng Bocaue na kung saan nakahelera ang mga stalls ng fireworks sa Barangay Turo.

Ginawa ang pag-inspeksyon ng dalawang General dahil nasa 24-oras na ang operasyon ng mga fireworks dealers at upang matignan ang kanilang operasyon.

Nanawagan din si Chief PNP sa mga unlicensed manufacturers na gawin ligal na ang kanilang produkto para maibsan ang maaaring pagsabog.

Sa pag-iikot nina Azurin at Pasiwen sa mga tindahan, wala naman sila nakitang illegal fireworks or pyrothenics.

Subalit pinayuhan ni Chief PNP ang publiko huwag bumili ng iligal na paputok.

Nagbuo naman ang Bulacan police ng "Task Force: Paputok" upang imonitor ang mga tindahan nagbebenta ng prohibited firecrackers.

Abangan po natin na walang mangyayaring firecrackers explosions sa Bulacan nitong taon. Sa police record, tuwing nalalapit na pagsapit ng Bagong Taon mayroon mga iligal pagawaan ng paputok ang aksidenteng sumasabog...

Big Time pa-rapol ng PRO3 sa Christmas Party

For the first time in history ng Police Regional Office-3 (PRO3), ngayon taon pa lamang magpapa-rapol ng isang SUV.

Ito'y dahil sa termino ni Brig. Gen. Cezar Pasiwen, PRO3 nangyari ang magpa-rapol ito ng isang Ford Teretori....Nakadisplay na ito sa harap ng parade ground ng headquarters.

Bukot sa SUV, limang motorcycles din ang kabilang na ipara-rapol ni Pasiwen sa mga PNP personnel at Non-Uniformed personnel sa PRO3 headquarters.

Ngayon pa lamang marami ng PNP personnel na nangangarap na sila ang mananalo sa SUV....

Sang-ayon naman sa nakausap ng Dateline, kahit na motorcycle na lamang ok na sa akin....

Sa ilang dekada nagkokober ang Dateline sa PRO3, ito pa lamang ang kauna-unahan sa history na magpapa-rapol ng isang SUV.

Good luck po sa mananalo...

Kusina ni Ima "no discount" sa SC???

Noong Disyembre 6, dalawang Senior Citizen ang kumain sa Kusina ni Ima sa bayan ng Apalit.

"Eat all you can" sa Kusina ni Ima sa halagang Php279.00. Mayroon kang dalawang oras at kalahati para kainin mo ang lahat ng putahe nila.

Maraming kumakain sa nasabing kainan dahil masasarap ang niluluto nilang putahe doon.

Dakong 12:00 p.m. dumating ang dalawang Senior Citizen upang doon sila mananghalian.

Alam naman natin kapag Senior na kakaunti at piling pili lang ang kanilang kinakain na ulam. Hindi kagaya ng mga Junior Citizen halos lahat ng putahe ay kanilang kinakain.

At nang magbabayad na itong dalawang Senior, siyempre ibibigay nila ang Senior ID nila para magkaroon ng "discount."

Nang iabot nila sa waitress ang Senior ID nila, ang sabi niya di raw nagbibigay ang kanilang management ng "discount." Ang sabi pa niya tuwing Sabado at Linggo lamang nagbibigay ng Senior Discount ang management.

Bakit ganoon pahayag ng dalawang Senior Citizen e ilan beses na raw silang kumakain sa Kusina ni Ima palaging mayroon silang "discount."

Bakit kaya walang "discount" ang mga Senior Citizen sa Kusina ni Ima na kung tutuusin ay karapatan nila ang 20 percent discount? Nagtatanong lang po...

Nang tanungin nila ang waitress kung sino ang may-ari ng nasabing kainan di raw nila kilala... Pero mayroon nagsabi sa kanila na Mr. gregorio umano ang may-ari.

Dapat paimbestigahan ng kinauukulan ang Kusina ni Ima kung bakit di sila nagbibigay ng Senior Discount?

Abangan po natin ang aksyon ng Senior Citizen Advocate...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph