Ciar: Q and A with Vice Ganda

65568678
65568678

Nia ang tipik sa intimate interview sa mga sakup sa entertainment press sa Sugbo sa Unkabogabol and Phenomenal Box Office Superstar Vice Ganda atol sa promo tour niya sa SM City Cebu niadtong Lunes, December 12, alang sa iyang pelikulang “Partners in Crime” nga gibituonan usab ni Ivana Alawi isip usa sa mga Metro Manila Film Festival entry nga ipasalida karong Pasko, December 25.

How does it feel to be back again for MMFF?

Of course, super excited and nervous at the same time. Kasi for the past two years hindi nagpunta ng mga sinehan ang mga tao, hindi sila nanonood ng sine so hindi mo alam kung anong ini-expect nila ngayon kasi nawala yung behavior for two years as in totally wala. Kasi kahit maluwag na ngayon dahil hindi na ganoon kalala yung kaso ng Covid sa Pilipinas hindi mo pa rin alam kung yung tao open na ba talaga sa paglabas sa mga malls, sa mga sinehan. Actually, yun na lang ang ikinakakaba naming lahat ngayon on how the movie is going to be received by the public.

Nakapanood ka na ba ulit ng pelikula sa cinema?

Not yet. Hindi ako takot. Wala lang akong chance. I wish I had the chance to go back to the cinemas to watch a movie sa mga theatres pero I never had the chance kasi kahit may pandemic ang dami ko pa ring ginagawa. Tuloy pa rin ang It’s Showtime, meron akong Everybody Sing, tapos nagko-concert tour din ako, nagba-vlog pa ako. I got too much on my plate and I didn’t have that luxury of time to really go to the cinemas to watch a movie.

Kailan pala babalik si Vhong sa Showtime?

Ay, pagpahingahin na muna natin si Vhong Navarro. Nagkita kami pagkalabas ng pagkalabas niya ang unang sinabi niya agad sa akin na, “meme hindi muna ako papasok ha!” Sabi ko sa kanya, `di naman kita papapasukin nagpunta ako rito dahil yayakapin kita, take your time.’ Let’s give him a break, give him all the time to enjoy his house again, his family, himself, yung ganoon wag na muna natin siyang pabalikin, papahingahin muna natin yung tao. But definitely he will come back.

How do you compare Partners in Crime from your past films?

This is a totally different movie. It’s 720 degrees ang inikot niya, hindi lang 360. I’ve been `Cathy-fied’ totally for this movie ang ganda. Kasi hindi ba yung genre ng movie ko for the past years it’s super funny so it’s been a brand. So Direk Cathy, Star Cinema and I collaborated to create a new brand kasi nga kailangan naming mag-form ng malaking interest ng viewers `e so sabi ko para ma-excite sila let’s give them something new.

Ano ba yung ‘Cathy-fied’?

Yung `Cathy-fied’ for me is yung description ko sa Cathy Garcia Molina movie. Nakaka-aktor itong project na ito kasi unlike in the past na we were just having a lot of fun, this time everything is measured. Ganoon si Direk Cathy sobra niyang strict and at the same time yung sigurado. Meron siyang brand ng comedy na mabilis, yung mabilis na comedy. Ang ganda tapos madrama, mapuso. Parang ayaw niyang tawagin na this is a comedy or romcom movie, ayaw niyang bigyan ng genre kasi ang daming feels: family, may pasuspense, comedy, a little bit of action, may pa-love angle, ang dami...

May crying scenes?

Oo pinaiyak ako, pati si Ivana pinaiyak ako, maraming eksenang nakakaiyak kaya kung minsan naglolokohan kami, pa-MMK na yata ito! Meron pa ngang isang scene doon na hindi ko na ikukuwento specifically kung anong scene na sobrang nakakaiyak. Ang ganda-ganda niyang natapos pero we had to redo the scene para mabawasan yung pagiging nakakaiyak niya.

Do you see yourself doing straight drama in the future?

No. First, that is not my brand. And I don’t think that is something that my audience would like to see me doing. Parang they would appreciate to see me doing a little crying, a little drama inside my comedy movies, pero yung straight drama ayoko. Kasi I’m in this industry to make my audience laugh and smile, to help them escape, yung magpapaiyak sa kanila ibigay ko na sa iba.

Kumusta katrabaho si Ivana?

Hindi kasi siya magaling na aktres (laughs). Charot lang! Hindi, kasi naglolokohan kaming dalawa pag sinasabi niyang `meme sorry hindi ako makahabol...’ Sabi ko, wag kang mag-inarte pareho lang naman tayong hindi masyadong magaling. Basta magpa-sexy ka diyan magpa-cute ka, ako ang magpapatawa. Pag pinagdrama na tayo magyakapan na lang tayong dalawa kasi pareho naman tayong hindi magaling mag-drama. Pero nung pinanood namin yung mga scene ang cute-cute ni Ivana, ang ganda-ganda niya, mahal siya ng camera lalo na yung sa trailer na nag-Marilyn Monroe siya ang sarap niyang panoorin.

What’s the story all about?

Sinasabi ni Direk Cathy, `this is your movie, this is very close to your life, somehow this is giving the audience a glimpse of the Vice Ganda life.’ Pero sabi ko sa kanya, 'no, direk, this is a Cathy Garcia life.’ It’s a story about an over-achiever person na sa sobrang over-achiever niya at sobrang goal-driven, nasa-sacrifice yung relationships niya sa mga mahal sa buhay. Kaya sabi ko kawawa yung buhay. So this is very relatable. Nagpapakamatay sa trabaho para lang makapagbigay ng magandang buhay sa pamilya pero nakakalimutan nila talagang mabuhay. Minsan naiiyak ka na lang but you have no choice.

How does Ivana’s character come in?

Simula pa lang nung story magkasama na talaga kami kasi we’re best of friends. But yung bestfriend mo nakapag-develop ng romantic feeling towards you na hindi ko na-reciprocate. Unrequitted love. Hanggang sa naging magkaaway kaming dalawa. Parang namasama niya yung hindi ko naibalik yung pagmamahal niya sa akin.

Bakit dapat panoorin ang Partners in Crime?

Panoorin nyo yung pelikula namin kasi maganda `to e, sayang naman may ginawa kang maganda tapos hindi nakita. Kasi I am very sure na magiging masaya kayo pag pinanood nyo yung pelikula. Sino ba naman ang may ayaw na everybody happy, di ba! Kaya dapat panoorin ito para happy kayo at happy ako, happy tayong lahat. Walang malulungkot. Everybody happy!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph