Sapnu: Sobrang higpit ang Pampanga Police Provincial Office

Mukhang sobrang mahigpit ang ipinatutupad na seguridad ng Pampanga Police Provincial Office (PPPO).

Itong ang reklamo ng mga media personalities na kung saan sa gate pa lang ng PPPO ay haharangin ka ng mga duty police officers.

Tatanungin ka ng police guards ng PPPO kung sino at saan ka pupunta.

Kapag ang pakay mo ay ang PPPO provincial director, ituturo ng naka duty police officers sa gate sa media personalities na pumunta muna kayo sa Public Information Office (PIO).

Ano naman ang gagawin ng media personalities sa PIO e kung ang gusto nitong ma-interview ay ang provincial director.

Ang isa pa raw dito sasabihan ka ng mga guards na tatawagin muna ang PIO chief at doon ka pa lang maaaring pumasok.

Biro mo pahayag ng mga media personalities sa Dateline, di ka papasukin kaagad at sa mismong gate ka paghihintayin hangga't walang go-signal na maaari kana ng pumasok.

Bakit naman ganito ang naging sistema ng PPPO sa mga media personalities? Bakit sobrang higpit sila? Nagtatanong lang po...

Sabi nga nila noon termino ni Col. Joel Consulta hindi mahigpit ang PPPO sa media personalities. Sabi nga nila maganda ang trato ni Consulta sa mga reporters.

Matatandaan ng inyong lingkod na huling bumisita sa PPPO ay noon termino ni Col. Consulta. Noong termino hindi ito mahigpit sa media personalities at "welcome na welcome" sa kanya ang mga ito.

Sabi nga nila, maraming kaibigan na mga reporter si Col. Consulta.

Kung tutuusin daw (Reporters) sa Camp Olivas pagpasok mo tatanungin ka lang ng mga duty base police na kung saan ka pupunta at diretso ka ng maaring pumasok. Nililista lamang nila ang plate number ng inyong behikulo.

Kapag ang inyong lingkod ang papasok ay diretso lamang dahil kilala na po tayo sa tagal ko ng sa Camp Olivas na nagkokober.

Kapag nasa loob ka ng Camp Olivas kung sino ang gusto mong ma-interview ay pupunta ka lang sa kanyang tanggapan.

Kahit na mismong si Brig. Gen. Cezar Pasiwen ay madaling ma-interview.

Mabalik po tayo sa sobrang higpit sa PPPO, ito raw ay utos ng kanilang PD. Ang tanong dito alam ba ni PD? Nagtatanong lang po...

Big time parapol ni Brig. Gen. Pasiwen

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph