Sapnu: Dalawang PPO-nag walkout kanilang personnel?

Nitong nakaraang Christmas Party ng Philippine National Police (PNP) sa Gitnang Luzon, nagkaroon ng kontroberyal sa dalawang Provincial Police Office (PPO).

Noong una, masaya daw ang Christmas Party ng dalawang PPO dahil marami naman daw makakain sa kanilang party, ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline.

Nang maganap na ang "parapol" sa dalawang PPO, maraming nadismaya mga PNP personnel dahil na "low morale."

Sang-ayon sa IO, karamihan sa mga PNP personnel sa dalawang PPO ay nag "walkout" umano sa nasabing pa-party ng kanilang Provincial Director (PD).

Napag-alaman ng IO, ito'y dahil umano sobra naman daw ang na maliliit na na "items" pinarapol ng kanilang PD.

Ang isang PD ng PPO, ang grand prize na pinarapol nito ay isang "bike" lamang, ayon sa IO.

Pagkatapos iyong 2nd prize nito ay isang standfan lamang, ayon sa IO.

Ganoon daw din sa isang PPO, sobrang maliit na bagay ang kanilang PD.

Sa dismaya umano ng mga PNP personnel sa dalawang PPO, nagsi-alisan daw sila sa nasabing paparty at parapol ng kanilang PD.

Sabi nga nila, buti pa raw sa Police Regional Office- (PRO3), isang Ford Territory ang pinarapol ni Brig. Gen. Cezar Pasiwen.

Ang 2nd prize ay mga motorsiklo at ang sumunod mga Refrigerators, LED TV, at iba pang magagandang items.

Kaya naman ang saya ang naganap na parapol sa PRO3, lahat ng mga PNP personnel at maging Non-Uniformed Personnel umuwing nakangiti.

Sa dalawang PD ng PPO, sabi ko baka iyon lang ang nakayanan na ipamigay na parapol ng kanilang PD???

E sabi nila sa IO, ngayon pa lamang nangyari sa kanilang Christmas Party na masyadong maliliit na "item" ang pinarapol.

Alam ba ninyo sino ang dalawang PPO na binabanggit???

Local Council for the Protection of Children (LCPC)

Nitong Disyembre 12 hanggang 14 nagsagawa ng Capacity Development Training ang LCPC.

Ginanap ang nasabing training sa Hacienda Gracia Resort Hotel na dinaluhan ng mga opisyales at miyembro ng LCPC.

Sa unang araw ng training, napag-usapan ang Children on Emergencies; Workshop on CEPC Creation; Acting planning workshop for childrens' programs, protects and acitivities.

Isang Planning Workshop for anti-medicancy na kung saan si Ms. Canneth Manglus ang nag-discuss dito.

Na-discussed din doon ang Organization and Functionality of CLPC.

At sa huling araw ng training, ginanap ang Presentation of Final LCPC Action Plan.

Maraming natutunan ang mga nagsidalong mga miyembro ng LCPC at mga opisyales nito.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph