Sapnu: Zero fatality in CL welcoming New Years celebration

Generally Peaceful ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ang pinagmalaki ni Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Police Office-3 (PRO3) director, na kung saan naging maayos at tahimik ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Sang-ayon kay Pasiwen umaabot lamang sa 62 indibidual ang naging biktima ng paputok sa pagsalabong sa Bagong Taon.

Ang mga naging biktima ng paputok ay sa mga lalawigan ng Pampanga, Bulacan, Tarlac, Bataan, Zambales, sa lungsod ng Olongapo at Angeles.

Wala naman naitalang naging biktima ng paputok sa lalawigan ng Nueva Ecija at Aurora.

Sa report ng PRO3, wala naman PNP at AFP ang nagpaputok ng kanilang firearms. May isang sibilyan sa San Ildenfonso Bulacan ang inaresto dahil sa pagpapaputok ng kanyang baril.

***

Si Brig. Gen. Enrico Huelba Vargas ang bagong PRO3 Deputy Regional Director for Administration.

Naitalag bilang PRO3 DRDA si Vargas noong Disyembre 22 na kung saan opisyal na nilagdaan ni Brig. Gen. Mathew Baccay, OIC ng Directorate for Personnel and Records Management.

Si Vargas ay dating head ng Area Police Command Visayas bago ito naupo bilang DRDA. Pinalitn ni Vargas si Brig. Gen. Biares na kung saan naitalaga ito sa PRO7 bilang Regional Director.

Naging PRO3 chief ng Personnel and Human Resources noong termino ni dating PRO3 director, Brig. Gen. Aaron Aquino.

Sa lahat po ng readers ng Dateline: Olivas bumabati po ang inyong lingkod ng MANIGONG BAGONG TAON.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph