Sapnu: Abalos calls sa mga Colonels/Generals magsumite CR

Matatandaan nanawagan si Sec. of Interior and Local Government (SILG) Benjamin Abalos na magsumite ng "Courtesy Resignations" ang lahat ng Colonels at Generals.

Sa isang press conference isinagawa sa Nationa Police Headquarters sa Camp Crame, Quezon City, nanawagan sa mga Police Officers mula sa ranggong Colonels hanggang Generals na magsumite ng kanilang "Courtesy Resignations" upang malinis ang hanay ng ranks sa mga sangkot umano sa illegal drugs.

Bilang reaksyon ni Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) ang buong puwersa ng Central Luzon police ay suportado ang panawagan ni Abalos.

Sang-ayon kay Pasiwen ang 12,000 PNP sa rehiyon ay sumusuporta sa panawagan ni Abalos magsumite ng kanilang courtesey resignation na sangkot sa illegal drugs.

Ang lahat ng Central Luzon cops ay payag na sumailalim sa imbestigasyon na gagawin ng Fiveman Team na bubuo ni Abalas na magsasagawa "evaluation process" sa mga police officers.

Maraming police officers ang nadismaya sa panawagan ni Abalos at mayroon naman pabor, ayon sa kanila.

Sang-ayon sa mga police officers, pinalilitaw umano ni SILG na maraming sangkot na PNP personnel sa illegal trades.

Mas marami naman ang malinis ang mga ito pagdating sa illegal drugs, ayon sa mga nakausap ng Dateline.

Mukhang ngayon lamang yata nangyari ang ganitong panawagan.. Si Abalos lamang ang gumawa na ayon sa kanya para malinis lamang ang hanay ng PNP personnel sa buong bansa.

Noong Huwebes, si Chief PNP General Rodolfo Azurin ang nagsumite ng kanyang "Courtesy Resignations."

Sino pa kayang Police Generals ang susunod sa kanya? Nagtatanong lang po..

Sabi nga ng ilang police officers...matapang yata si Abalos? Nagtatanong lang sila.

Abangan po natin kung sino sino mga Colonels/Generals ang maiimbestiga sa illlega drugs...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph