Sapnu: Courtesy resignation ni SILG maraming reaksyon

Matatandaan na nanawagan si Sec. Interior and Local Government (SILG) Atty. Benjamin Abalos na magsumite ng "courtesy resignation" ang lahat ng colonels at general ng PNP.

Ito'y aniya para malinis ang hanay ng PNP na sangkot sa illegal drugs sa bansa.

Bilang pagtalima sa panawagan ni SLIG kaagad naman nagsumite si Chief PNP Gen. Rodolfo Azurin kabilang ang ilan pa nitong Staff Command Officers ng kanilang "courtesy resignation."

Maging si Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Office III director at mga staff command officers nito at ang mga provincial at city police directors nito ay nagsumite ng kanilang "courtesy resignation."

Isinagawa ito nang bumisita si Chief PNP Azurin sa Camp Olivas noong Biernes at nanawagan ito sa mga Senior Police Officers na magsumite ng kanilang "courtesy resignation."

Pinangunahan ni Pasiwen ang pagsumite ng kanilang "courtesy resignation."

Sang-ayon kay Brig. Gen. Enrico Vargas, bagong talagang PRO3 Deputy Regional Director Administration (DRDA), maganda naman daw ang panawagan ni SILG bilang "cleansing program" ng PNP.

Sang-ayon sa mga senior police officers, ok naman daw ang panawagan ni SILG nguni't maraming na "low morale" sa nasabing panawagan.

Para naman daw lahat ng mga senior police officers ay may kaugnayan sa illegal drugs. Lahat ng colonels at generals maaaring masibak sa serbisyo kapag napatunayan na sangkot umano ang mga ito sa illegal drugs.

Sabi nga ni Vargas, bakit ka naman matatakot kung malinis ka naman? Wala ka naman dapat ikabahala.

Sino-sino kaya ang tatamaan na mga colonels at generals sa gagawin imbestigasyon ng five-man team? Nagtatanong lang po...

Itong panawagan ni SILG ay makatotohanan ba? O ito'y isang pakulo lang? Nagtatanong lang po...

Baka isang "ningas cogon" lang ito?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph