Ang mga na-promote ay mga Police Commissioned Officers at Police Commissioned Officers.
Si Brig. Gen. Cezar Pasiwen, PRO3 director ang nag-administer na nasabing mass oath taking.
"Huwag kayong makontento sa inyong promotion. Maglingkod kayo ng tapat at taos puso sambayanan Pilipino," pahayag ni Pasiwen sa mga bagong "promoted" police officers.
Mayroon din na-promote na mga police officers "to the next rank" na ginanap din sa mga Provincial at City police offices sa rehiyon.
Sa kabuan umaabot sa 3,179 na police officers ang na-promote.
Sa PRO3 headquarters kabilang sa mga na-promote ay sina PCMS Gal Robertson Ragodon at PMCMS Ryan Marin,kapwa nakatalaga sa Regional Logistics Resources Development Division (RLRRD); PCPT Janice Logarda at PCPT Aillen Balisi, kapwa ng Angeles City police station 5; Jewelle Rivera ng Regional Public Information Office; PCMS Margie Ragodon ng City of San Fernando Police Station; CPL Princess Jewel Dela Rosa ng Deputy Regional Director for Administration; PCPT Silvestrer Colanza, Deputy Chief of Police of Bagac town; at PEMS Randy Barredo ng RCADD.
*****
Traffic lights sa Barangay Del Rosario
Marami ng motorsita ang nagrereklamo sa traffic lights sa kahabaan ng MacArthur Highway sa intersection sa Baragangay Del Rosario ng City of San Fernando.
Ang reklamo nila ay matagal ang pagpalit ng go at stop ng nasabing traffic lights na kung saan umaabot ito ng mahigit 20 minuto.
Sabi nga nila ang Sequence ng nasabing traffic lights ay sobrang tagal baka nga makatulog ka raw sa tagal ng pagpalit ng GO.
Sang-ayon sa source, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagtayo ng nasabing Traffic Lights kaya sila ang dapat umayos ng nasabing istorbong traffic lights.
Umaksyon naman kayo DPWH region 3.
Kung hindi ninyo maaksyunan si City Mayor Vilma Caluag ang gagawan ng aksyon ukol dito.
Matatandaan si Mayora din ang nagtanggal sa Traffic Lights sa harapan ng Vista Mall.