Isasailalim sa "Lifestyle check" ang lahat ng ranking PNP officers na nagsumite ng kanilang "courtesy resignation."

Ito ang binitawan na salita ni Chief PNP Gen. Rodolfo Azurin Jr., noong nakaraang Miyerkules sa isang television interview.

Kamakailan isang "Five-Man" team ang naatasan na magawa ng assement sa "Courtesy Resignations" ng mga Generals at Colonels at naatasan na magsusumite ng rekomendayson kay President Bongbong Marcos Jr.

Sang-ayon sa pahayag ng spokesperson ni Azurin na si Col. Jean Fajardo maging siya (Chief PNP) ay isasailalim din sa lifestyle check.

Umaabot sa 600 High Ranking Police Officers kabilang si Azurin nagsumite ng "Courtesy Resignation" makaraang nanawagan si Sec. of Interior and Local Governemnt (DILG) Benjamin Abalos sa resignation.

Sa kasalukuyan umaabot sa 10 police officers ang isinailalim sa imbestigation kaugnay sa Lifestyle check.

Nag-triggered ang Lifestyle checks dahil sa panawagan ni Abalos re Courtesy Resignation..

Matagal na iyan Lifestyle Check sa mga Senior Police Officers nguni't wala naman nangyayari o nadismis sa serbisyo.

Sang-ayon sa mga police officers nakausap ng Dateline. bagama't maganda ang layunin ni Abalos at Azurin...na bahagi ito ng "Cleansing Process" e nagkaroon naman ng malaking "demoralization" sa hanay ng PNP personnel.

Para bang ipinamumukha nila sa publiko na lahat ng police officers ay "corrupt" umano sila...

Kung magsasagawa ng Lifestyle Check ang PNP, dapat siguro lahat na simula sa Police Patrolman hanggang General...Di ba po? Nagtatanong lang po...

Sa panawagan ni SILG Abalos na magsumite ng "Courtesy Resignation" ang lahat ng Generals at Colonels maraming magagalit sa kanya o kaya matutuwa? Nagtatanong lang po...

Mayroon naman kayang tatamaan sa "Courtesy Resignation" o Lifestyle Check na mga Generals at Colonels? Ito po ang malaking katanungan...

***

Correction...

Isa sa mga na-promote na Police Officer ay si Capt. Janice Lolarga hindi po Logarda na nasulat sa nakaraang Kolum... Congrats Jha Jha