Nitong nakaraang linggo, dalawang pulis na sangkot umano sa kidnapping at slaying sa isang online seller sa Nueva Ecija.

Mga tauhan ni Brig. Gen. Romeo Caramat, director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang umaresto kina MSGT. Rowen Reyes Martin at SSGT. June Marcelo Mallilin, kapwa nakatagala sa Nueva Ecija police.

Ang dalawa ay sangkot umano sa kidnapping at slaying kay Nadia Motalib Casar, ayon sa report.

Ang bangkay ng biktima ay sinunog at ibinaon pa ng dalawang pulis, ayon pa sa report.

Inaresto ang dalawang pulis sa RTC-branch 24 sa Old Capitol Compound ng Cabanatuan City sa bisa ng Joint Judgement na nilabas ni Judge Ana Maria Joson-Viterbo sa kasong kidnapping for ransom with homicide.

Sa kasalukuyang nasa kustodya ng Nueva Ecija provincial police.

Sang-ayon sa report ni Caramat ang dalawa at iba pang kasamahan ay positibong itinuro na kumidnap sa online seller sa Sta. Rosa Nueva Ecija noong July 20, 2021 upang humingi ng Php100k sa kanyang pamilya.

Ang biktima ay kasamang dinukot ang grab driver na si Mark Nua Batac at pagkatapos ay idinetine ang mga ito sa isang lugar at saka inutusan si Caesar ang kanyang pamilya.

Habang nagsasagawa ng negosasyon ang mga suspek ni-release umano ang grab driver. Samantalang ang online seller ay pinatay at ibinaon.

Sa ginawa ng nasabing pulis, mukhang sinira na naman nila ang imahe ng PNP di po ba?

Biro mo dalawang pulis lang nasira ang buong PNP force.