Nitong Enero marami bulung bulunga na maraming provincial at city police directors (PDs/CDs) ang maaaring palitan.
Ito ang nasagap mna balita ng Dateline na kung saan inaasahan ang gagawin pagbalasa sa mga PDs at CDs ng higher up ng PNP.
Inaasahan nitong darating na buwan mayron umano mapapalitan na police director na malapit sa Camp Olivas.
At maaaring sumunod ay ang lalawigan ng Tarlac at Bataan, ayon sa intelligence officer ng Dateline.
Maraming "factors" ang dahilan upang mapalitan ang isang police director kagaya ng mahina ang "leadership" at marami ng hindi nareresolbang mga kaso sa kanyang area of responsibility.
Ang isang malaking "factor" ay baka ayaw na siya ng isang gobernador o city mayor dahil marami na itong "palpak."
Naaobserbahan din ng inyong lingkod na hindi na nagtatagal ang mga PDs at CDs sa kanilang puwesto. Malimit umaabot na lamang ang mga ng anim buwan sa kanilang termino.
Hindi kagaya noon ang mga ito ay umaabot sa kanilang puwesto ng dalawang taon dahil ito ang termino ang ibinibigay ng PNP higher up.
Sa tagal ng nagkokober ng Dateline sa PNP ngayon lang nagiging maiksi ang termino ng PDs at CDs.
Ang dahilan sa dami ng mga Colonel ibig pagbigyan ng PNP Crame ang lahat na makapuwesto kahit anim na buwan lamang. Ano naman gagawin ng PDs o CDs sa anim na buwan sa kanyang puwesto? Nagtatanong lang po...
Gagawa ba ito ng "big accomplishments" sa loob ng anim na buwan? Nagtatanong lang po...
Abangan ang tatamaan sa balasahan nitong susunod na buwan!
Pampanga
Sapnu: Sino sino kaya ang tatamaan sa balasahan
January 31, 2023
- A
A +
View Comments
Disclaimer
SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not
necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to
delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will
automatically be deleted.
Forum Rules
Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the
discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!