Sapnu: Pampanga naging tapunan ng mga bangkay na babae?

Nitong nakaraang buwan dalawang bangkay na babae ang natagpuan sa lalawigan ng Pampanga.

Sang-ayon sa report, noong Enero 27, isang bangkay na babae ang natagpuan sa Barangay Manuali, Porac.

Isang operator ng backhoe na si Randy Padilla41, residente ng nasabing barangay ang nakakita sa bangkay na babae.

Ang babae ay may suot na black t-shirt, black shorts nang makita ni Padilla habang ito'y naghahanap ng mga dahon.

Sang-ayon sa Porac police wala naman umano'y nawawalang babae sa nasabing bayan.

Sa isang madamong lugar sa Barangay Laug sa bayan ng Mexico ay isang babae bangkay din ang natagpuan noong Enero 29.

Ang biktima ay nakasuot ng maong pants, white rubber shoes, white jacket at brown hat.

Ang nasabing biktima ay may tama ng bala sa likod ng kanyang ulo, ayon sa report.

Natagpuan ang nasabing mga bangkay noong nakaraang buwan at hindi umano inireport ng Pampanga police? Bakit kaya nagtatanong lang po?

Ang lalawigan ba ng Pampanga ay nagiging tapunan ng mga bangkay? Nagtatanong lang po...

Ano ang ginagawa ng otoridad sa pagtatapon ng mga bangkay sa Pampanga? Nagtatanong lang po...

Ito ba ay nalalaman ni Gobernador Deniis "Delta" Pineda ang Pampanga ay nagiging tapunan ng mga patay?

Dapat lamang paimbestigahan ni Gob Delta ang nangyayari sa Pampanga... Di po ba?

Abangan po natin ang aksyon ni Gob Delta?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph