Nalalapit na rin ang araw ng mandatory retirement ni Brig. Gen. Cezar Pasiwen, Police Regional Office-3 (PRO3) kaya naman marami ng umuugong na papalit sa kanya.
Nitong 22 ng Pebrero ang pagretiro ni Pasiwen sa Philippine National Police (PNP) service at dahil dito marami ng mga Brig. General ang gumagapang o lumalakad para siya ang magiging next PRO3 regional director.
Buwan pa lamang ng Enero marami ng mga Brig. General ang naghahangad na makuha ang PRO3.. Sa kasalukuyang apat na Brig. Gen. ang balita o matunog na maaaring pumalit kay Pasiwen.
Kabilang sa mga kandidato sina BGs Andrea Dizon kasalukuyang Manila Police Director director; Kirby Kraft ng Southern Police director; Sidney Villaflor ng Criminal Investigation and Detection Group; at Andrew Cayad ng Directorate for Intelligence Group.
Sina BG Kraft at Villafor ay natalaga na sa PRO3 headquarters mga ilan taon na rin sila nagserbisyo. Si Kraft ang dating Regional Highway Patrol commander at samantalang si Villflor ay naging Regional Mobile Group at naging City Police Director ng Angeles City.
Sina Dizon at Cayad ay hindi pa nadestino sa Central Luzon police kaya kung tutuusin malaki ang "chance" nina Villaflor at Kraft.
Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, mayroon daw isa pang kandidato subalit hindi ito maingay.
Natalaga na rin din siya sa PRO3 ilang taon na rin ang nakakaraan.. Sino ba ito kilala ba ninyo?
Kung sino man ang masuwerteng next PRO3 RD congrats po..
Bakit kaya maraming Brig. Gen. ang gustong madistino bilang PRO3 RD? Nagtatanong lang po.
Ano kaya ang "mayroon" sa PRO3? Nagtatanong lang po..
Pampanga
Sapnu: Sino kaya masuwerteng next PRO3 RD?
February 08, 2023
- A
A +
View Comments
Disclaimer
SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not
necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to
delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will
automatically be deleted.
Forum Rules
Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the
discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!