Sapnu: Brig. Gen. Jose "Daboy" Hidalgo ang masuwerteng PRO3 RD

Kung inyong matatandaan anim na Brig. Gens. ang kandidato upang maging next Police Regional Office-3 (PRO3) director.

Ang mga ito ay sina BGs Andrea Dizon, ng Manila Police District Director; Kirby Kraft, Southern Police District Director; Sidney Villaflor ng Criminal Investigation and Detection Group; at Andrew Cayad, Directorate for Intelligence Goup; Patrick Obinque nakatalaga sa Camp Crame at Anthony Aberin, Director ng Aviation Security Group.

Itong anim na Brig. Gens. ang matunog na maaaring pumalit kay outgoing Brig. Gen. Cezar Pasiwen na nakatakdang magretiro noong Feb. 22.

Subalit ang pinakamatunog sa kanila ay sina Obinque; Villaflor at Aberin.

Kaya naman ang inaasahan ang tatlo ang maaaring pumalit kay Pasiwen. Nguni't nang gabi ng Martes (Feb.21) si Aberin umano ang inaasahan uupo bilang PRO3 director.

Kahit ang Regional Office Information Office3 (PRO3) Feb. 21 wala pang ginawang programa ukol sa turn-over dahil din rin nila alam kung sino ang uupong RD ng PRO3.

Dakong ika anim ang umaga ng Miyerkules (Feb. 22) biglang si BG. Daboy Hidalgo ang napisil ng nakakataas para pumalit kay Pasiwen.

Kaya naman Miyerkules pa lamang nakagawa ng programa ang RPIO3 at ang turn-over ceremony ay naganap ng dakong 3:00 ng hapon.

Mismong si Chief PNP Director Gen. Rodolfo Azurin ang nag-preside sa nasabing turn-over na ginanap sa Patrol Hall sa loob ng Camp Olivas.

Si BG. Hidalgo na tinatawag namin na Daboy ang masuwerteng naging PRO3 director.

Dati nang natalaga si BG Hidalgo sa PRO3 headquarters bilang Chief ng Regional Operation Group, Commander ng dating Regional Mobile Group. Naging Officer-in-Charge ng Angeles City police, Aurora police at Bulacan police.

Congrats BG. Hidalgo...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph