Tuwing bago ang nakaupong Regional Director ng Police Regional Office-3 (PRO3), tiyak magkakaroon "sibakan bllues."
Matatandaan noong Miyerkules (Feb. 22) si Brig. Gen. Jose "Daboy" Hidlago ang masuwerteng naging PRO3 director. Pinalitan nito si Brig. Gen. Cezar Pasiwen na nagretiro sa serbisyo nang nasabing araw.
Pagkatapos ng turn-over ceremony na kung saan si Chief PNP Gen. Rodolfo Azurin ang personal na nag-preside, isang command conference ang ginanap sa Conference Room ng PRO3 headquarters.
Lahat ng mga Police Provincial Directors at City police directors ay dumalo sa nasabing turn-over at lahat ay kinausap ni Hidalgo sa conference.
At nitong Biernes (Feb. 24), sang-ayon sa IO, apat na Provincial Directors ang nakatakdang masibak sa kanilang puwesto.
Ang mga ito ay ang Nueva Ecija police; Pampanga Police; Bulacan police at Bataan police. Ang mga ito ang maaaring matanggal sa kanilang puwesto nitong Marso dahil sa maraming kadahilanan.
Matantandaan ang si Col. Relly Arnedo ng Bulacan ay bago pa lamang Provincial Director maging si Col. Levi Hope Basilio ng Pampanga at si Col. Richard Caballero ng Nueva Ecija.
Samantalang si Col. Romell Velasco ng Bataan police ay halos isang taon na ito sa kanyang puwesto.
Sang-ayon sa IO, itong apat na Cols. pa lamang ang maaaring masibak sa kanilang puwesto at siyempre mga "bata" ni BG Hidalgo ang maaaring ipalit sa kanila.
Abangan po ang "sibakan blues" na gagawin ni BG. Daboy Hidalgo.na maaaring mangyari din sa mga Staff Officer ni Daboy.
Pampanga
Sapnu: Apat na Police Provincial Directors masisibak sa puwesto
February 28, 2023
- A
A +
View Comments
Disclaimer
SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not
necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to
delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will
automatically be deleted.
Forum Rules
Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the
discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!