Matagal nang nararanasan ng mga motorista ang grabeng trapik sa City of San Fernando at hanggang ngayon wala pang ginagawang solusyon ang kinauukulan.

Maraming ng mga Fernandino/Fernandina na naaasar sa grabeng trapik nararanasan nila sa kahabaan ng Mc Arthur highway.

Ang nasabing grabeng trapik ay nagsisimula sa Barangay Sindalan hanggang sa Dolores intersection na kung saan kung minsan usad pagong ang mga behikulo.

Karamihan sa mga naaapektuhan ng grabeng trapik ay mga nagtatrabaho lalo na mga estudyante na papasok sa kani-kanilang mga paaralan.

Isang dahilan ng grabeng trapik ay ang Traffic Light sa dakong Barangay Del Rosario na kung saan ang tagal magpalit ng Stop and Go.

Aabutin ka halos 15 minuto bago magpalit ng Go kaya ang resulta mahaba na ang mga nkaparadang behikulo sa nasabing Traffic Light.

Pagadating sa Walter Mart sa Barangay San Agustin, nakupo ang haba din ang trapik at aabot ito hanggang sa St. Jude sa Barangay Dolores.

Dahil wala na ang Traffic Light sa may St. Jude naging grabe na rin ang daloy ng trapik dito.

Ito ang mga Bottle Neck sa kahabaan ng Mc Arthur highway at hanggang ngayon wala pang ginagawang solusyon si Mayora Vilma Caluag.

Sa grabeng trapik karamihan sa mga nagtatrabaho sa lungsod at mga mag-aaral ay nahuhuli sila sa kanilang pinapasukan tanggappan at paaaralan.

Maging ang Business Sectors ay nananawagan na rin kay Mayora na gumawa itong agarang solusyon sa grabeng trapik sa lungsod.

Lalo pang lumalala ang grabeng trapik nang simulan gawin ng Department of Public Works and Highways (DPWH3) ang fly-over bridge sa Jose Abad Santos Avenue (JASA) sa may Lazatin Boulevard.

Sana daw gawin ng mahusay ng DPWH3 ang nasabing Fly-Over bridge para di na paulit-ulit na masisira. Ilan beses ng ginawa ang nasabing Fly-Over ngunit di pa rin maayos? Bakit kaya...Nagtatanong lang po.

Abangan po natin ang gagawin solusyon ni Mayora sa grabeng trapik sa lungsod...Isang malaking hamon sa kanya itong grabeng trapik.

Kaya kaya ni Mayora masolusyunan ang grabeng trapik sa lungsod? Nagtatanong lang po.

Umikot na kolektor


Dalawang kolektor sa mga peryahan ang umiikot ngayon Central Luzon, ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline.

Isang nakilalang "R..." ang umiikot sa mga bayan ng Arayat sa barangay Camba, Guagua at Lubao.

Palagi umano'y binabanggit ni kolektor R na inutusan sila ng isang Senior Police Officer sa PRO3 para sa koleksyon.

Sa pag-iikot ni kolektor "R" kasama niya ang kanyang "boss" na alias "H..." at "D..." sa pangongolekta sa buong rehiyon.

Marami na rin mga magulang ang nagrereklamo sa mga peryahan dahil nagiging biktima umano ang kanilang mga anak.

Sana pag-imbestigahan ni PRO3 director, Brig. Gen. Jose "Daboy" Hidalgo ang nasabing mga kolektor....Abangan po natin ang aksyon ni BG. Daboy.

********************************

Binabati ng Dateline si Lt. Col. Jay Dimaandal sa pagkakaupo nito bilang Regional Mobile Force Battalion (RMFB3) commander.

Isang turn-over ceremony ang isinagawa noong Miyerkules at si Brig. Gen. Jose "Daboy" Hidalgo ang nag-preside ng nasabing aktibidades.

Bukod commander ng RMFB3 itinalaga din ni BG. Hidalgo si Dimaandal sa Regional Operation Group.

Si Dimaandal ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2002 na dati narin natalaga noon sa Camp Olivas.

Congrats sir Lt. Col. Jay Dimaandal.