Nagsimula noong Lunes (Marso 6) ang pagsasagawa ng "courtesy call" sa mga gobernador at city mayor sa Gitnang Luzon ang bagong Regional Director ng Police Regional Office- 3(PRO3) Brig. Gen. Jose "Daboy" Hidalgo.

At dahil mas malapit lang ang kapitolyo ng Pampanga sa Camp Olivas, inuna ni BG. Daboy si Gobernador Dennis "Delta" Pineda sa "courtesy call." Isinabay na rin nito si Bise-gobernadora Lilia "Nanay" Pineda.

At siyempre bago ang "courtesy call," bumisita muna si BG. Daboy sa Pampanga Police Provincial Office (PPPO). SOP (standard operation procedure) ang ganitong sistema, bago mag-courtesy call ang Regional Director (RD) ng Police Regional Office-3 (PRO3) bibisitahin na muna ito ang kanyang Provincial Director (PD).

Maaaring isusunod na "courtesy call" ni BG. Daboy ang sa mga gobernador ng Bulacan, Bataan, Tarlac, Zambales, Olongapo City at Angeles City.

Pagkatapos ng apat na lalawigan at dalawang lungsod, maaaring mag-courtesy call na si BG. Daboy sa lalawigan ng Nueva Ecija at huli ang Aurora province dahil ito'y malayo.

Sa mga nagdaan ng "courtesy call" ng mga RD, halos aabot ng isa't o kalahating buwan ang gagawin nitong pagbisita sa mga gobernador at city mayor sa rehiyon.

Kaya naman sa loob ng isang buwan, isa o dalawang araw lang sa loob ng isang linggo na maaaring mag-stay si BG. Daboy sa kanyang tanggapan... Busy nga sa kanyang "courtesy call".

*****

Class reunion ng Jose Abad Santos High Schooll (JASHS) Batch '70 matagumpay


Noong Pebrero 25 nitong taon, isinagawa ng JASHS Batch '70 ang 53rd Anniversary sa Otel Pampanga sa Dolores, City of San Fernando.

Nagsimula nang 7:00 a.m. ang programa na kung saan marami na rin ang nagsidating mga Batchmates namin sa nasabing Otel.

Mga 7:30 a.m. pa lang umaabot na sa mahigit 30 Batchmates namin ang maagang dumating.

Ang programa ay halos umabot hanggang 7:00 p.m. na kung saan mahigit sa 148 Batchmates namin ang umatend sa 53rd reunion ng JASHS '70. Bago nagsimula ang programa siyempre nagkaroon muna ng Mass.

Mayroon din live-band Poison Ivy sa pamumuno ni Romy Sanchez na lalong pinasaya ang class reunion.

Mga old songs ng 1966 hanggang 1970 ang tunugtog ng Poison Ivy kaya naman iyong sayaw noong panahon noon ang sinayaw.

Kagaya nang mga nakaraang reunion, dumalo din ang dating mga guro na sina Ely Manaloto; Flor Umali at Virginia Guaio-Yumul.

Hindi nakakalimutan nina Manaloto, Umali at Yumul dumalo sa reunion ng JASHS '70, na kanilang pinagmamalaki na maganda ang samahan ng nasabing Batch.

"Wala raw katulad ang samahan ng JASHS '70 na naiiba sa lahat ng nadaluhan nilang reunion," ayon sa kanila.

Inasikaso naman ng ibang Batchmates ang tatlong dati namin naging guro noong High School days... Natatandaan ng Inyong Lingkod, si Ginang Umali ay naging guro ko sa Geometry, si Manaloto ay sa subject na Agriculure samantalang si Guiao-Yumul ay adviser ng Section 5 at ang subject nito ay Filipino. Kaya naman tuwang tuwa sina Umali, Manaloto at Guaio-Yumul sa pinakita ng JASHS '70 sa pag-asikaso sa kanila.

Bukod sa dumalong 148 na Batchmates, umabot din sa 20 ang naging guest sa nasabing di makalimutan na Reunion sa pamumuno ni Pres. Engr. Danilo Galang.

Sa pagdalo ng maraming Batchmates ibig sabihin nito maraming sumusuporta sa leadership ni Pres, Danilo Galang at marami din classmates na naniniwala sa kanya.

Good Job Pres. Galang at sa mga BDO... maganda at pinakamasayang 53rd JASHS '70 reunion.

Sana iyong ibang Batchmates na umiba ng grupo at hindi dumalo sa nasabing reunion sa pamumuno ni Engr. Galang mag-isip-isip na kayo! Sayang na sayang?