Sapnu: Libreng almusal at mirienda ni BG. Daboy Hidalgo

For the first time in history sa Police Regional Office-3 (PRO3) headquarters, biglaang nagkaroon ng libreng almusal at miryenda ang mga Phillippine National Police (PNP) personnel at Non-Uniformed Personnel sa Camp Olivas.

Ito'y dahil kay Brig. Gen. Jose "Daboy" Hidalgo, PRO3 director, na kung saan nagsimula ang nasabing Libreng almusal at mirienda noong Lunes (Marso 13).

Magsisimula ang Free Breakfast ng 7:30 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga na kung saan aabot sa 200 PRO3 personnel ang maaaring makakain. Take note first come first serve basis.

Ang miryenda naman ay magsisimula ng 3:00 hanggang 5:00 ng hapon at aabot lamang sa 100 PNP at NUP personnel ang makakain.

Magkahiwalay ang mga PNP personnel na kakain, iyong mga lalaki ay sa "The Boys Corner" na pinangalan sa kay BG Hidalgo ng kanyang nickname Daboy.

Itong Libreng Almusal at Mirienda ay mula Lunes hanggang Biernes, ayon kay BG. Daboy...

Sa halos 35 taon na nagkokober ang Dateline sa PRO3 camp olivas, si BG. Jose "Daboy" Hidalgo ang naging RD ang nakaisip ng nasabing programa.

Sang-ayon kay BG. Hidalgo ang Free Breakfast at Snacks ay bahagi ng kanyang administrasyon para sa "well-being at health" ng lahat ng PRO3 personnel.

Si BG. Daboy lamang ang nakaisip ng ganitong programa na ikinatuwa ng mga PNP at NUP. Maaari ng umalis ng maaga ang mga PNP personnel kahit di na sila mag-almusal dahil pagdating nila sa Camp Olivas makakain na sila.

Kaya ang laki ng pasalamat nila kay BG. Daboy sa libreng almusal at mirienda.

Sa tinging ng Inyong Lingkod maari din gayahin ng mga Provincial Police at City police director ang programa ni BG. Daboy.

Hanggang kailan kaya ang nasabing programa ni BG. Daboy? Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph