Sa pag-upo ni Brig. Gen. Jose "Daboy" Hidalgo Jr., bilang Police Regional Office-3 (PRO3) director, inaasahan na ang kanyang gagawin pagbalasa sa kanyang mga Provincial at City police directors sa rehiyon.
Ito ang Standard Operation Procedure (SOP) na kung saan kapag bago ang PRO3 director, inaasahan na ang kanyang gagawin pagbalasa sa mga PDs at CDs.
Pagdating o pag-upo ng bagong RD mayron itong mga kasama mga police officers na kanyang "trusted" na kanyang bibigyan ng "break."
Karamihan sa mga police officers ay pawang may ranggong Colonel kaya maaari silang italaga bilang PDs o CDs.
Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Inyong Lingkod, mayroon din siyang kasama mga Lt. Cols.
Kaya naman maging iyong mga Chiefs of Police ay maaari din ma-apektuhan sa balasahan "blues."
Matatandaa si Col. Fits Macariola ng Zambales police provincial director ay unang na-releaved sa kanyang puwesto at si Col. Ricardo Pangan ang pumalit sa kanya.
At nitong nakaraang Biernes, si Col. Romell Velasco ng Bataan police provincial director ay napalitan na rin at si Col. Palmer Tria ang bagong Bataan police director.
Si Velasco ay halos mahigit isang taon ang kanyang inilagi bilang Bataan provincial police director at marami itong "Big Accomplishments."
Balik PRO3 headquarters si Velasco at maging si Macariola.
Sino sino kaya PDs o CDs ang susunod na maapektuhan ng "Balasahan Blues" ni BG. Daboy? Nagtatanong lang po.
Sang-ayon sa IO, maging ilan mga Chiefs of Police ay maapektuhan sa Balasahan Blues.. Sino sino kaya ang mga ito?
Maglakad na po kayo para di kayo maapektuhan sa Balasahan Blues.
Pampanga
Sapnu: Umpisa na ang Balasahan Blues sa mga PDs/CDs
March 21, 2023
- A
A +
View Comments
Disclaimer
SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not
necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to
delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will
automatically be deleted.
Forum Rules
Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the
discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!