Kampanya laban sa illegal gambling patuloy..

Masigasig at patuloy ang kampanya ng Police Regional Office-3 (PRO3) laban sa illegal gambling sa rehiyon.

Hindi na mabilang ang mga nahuli ng PRO3 sa nasabing kampanya nila laban sa illegal gambling.

Kabilang sa mga hinuhuli nila ay "illegal color games," "bularit" (sabong) at iba pang iligal na sugal.

Pag-upo ni BG. Jose "Daboy" Hidalgo bilang PRO3 director, inatasan nito ang lahat ng kanyang mga Provincial at City police director na pag-igtingin ang kanialng kampanya laban sa illegal drugs, kriminalidad at maging ang illegal gambling.

Sa illegal gambling, binigyan nito ang mga Provincial at City police director na ultimatun (one strike policy) sa hindi makasunod sa kampanya nito sa illegal gambling ay agarang masisibak sa puwesto.

At noong nakaraang linggo, isang chief of police ng Orion, Bataan ang tinamaan ng kanyang One Strike Policy.

Ang nasibak na hepe ay bigo mapahinto ang illegal gambling sa kanyang area of jurisdiction. Nadiskubre na may "illegal color games" sa loob ng peryahan sa kanyang nasasakupan.

Kaya naman sibak kaagad ang hepe ng Orion at pinalitan nito ni Officer-In-Charge Capt. Silvestre Colanza.

Pinangungunahan ng Special Operations Group ng Regional Intelligence Division 3 ang pag-monitor ng mga illegal gambling sa rehiyon.

Sino kaya ang susunod na masisibak sa nasabing One Strike Policy ni BG. Hidalgo??? Nagtatanong lang po....

*************************************

Binabati ng Dateline ang PNP Class Mabalasik 2006-02 ng Police Regional Office-3 sa kanilang 17th Anniversary..... Kabilang sa nasabing Class ang mag-asawa PCMS Gal Robertson Ragodon at PCMS Margie Ragadon....

SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph