Mga pasaway marami sa karsada

Max Sangil

Dalawang choke points. Yung maikling tulay sa may malapit sa Panings at Ilang taon ng nakabinbin na flyover sa boundary ng Porac at Lungsod Angeles. ( Nung lalabas ka ken eka malyaring Mira’s a prisyun. Bagya nakamu). Kung motorista ka at binabagtas mo ang MacArthur highway, be on the lookout lagi sa mga kaskaserong motor riders. Walang pakundangan mapgpatakbo, animo’y walang kamatayan.

Talaga bang walang magagawa ang ating mga namumuno sa mga lokal na pamahalaan, mga traffic enforcers, mga ahensiyang kamukha ng Land Transportation Office ( LTO), Land Transportation Franchising Regulatory Board ( LTFRB), Highway Patrol Group (HPG) at iba pang mga sangay ng gobyerno na may kinalaman sa pag-aayos sa ating mga kakarsadahan? Sobra na ang mga pasaway sa karsada. Nakakabanas na. Parang walang gobyernong namamahala.

Ilang daang beses ko ng tinalakay ang ganitong kalagayan sa ating mga karsada. Noong pang kasama ko si Perry Pangan at ilang anchors sa programang Talakayan sa DWRW at Channel 36. Ganoon din ang aming panawagan ni nasirang John Susi sa palatuntunan namin noon sa Drive Max, Toda Max sa Brigada 92.7.Hindi lang kami. Maraming mga palatuntunan sa radyo at telebisyon ang tinatawag ang pansin ng mga kinauukulan sa nakakabuwisit na kalagayan sa ating mga karsada. May mga Letters to the Editors pa nga sa malalaking peryodiko. Pero wala lang. Dedma ang mga namamahala.

Heto na lang. Hindi ba bago irehistro ang isang sasakyan, anumang modelo, kailangan ang isang emission testing? Bakit mukhang ang lahat ay nakakapasa. Pati na yaong mga sasakyan na kung bumuga ng maitim at nakakalasong usok na daig pa ang usok galing sa mga sugar centrals ay pumapasa?

Ano ba ang patakaran sa pagbibigay ng lisensiya lalo na sa nag- momotorsikulo? Diyos kong mahabagin! Hindi ba nakikita sa mga CCTV o kaya karanasan ng maraming motorista na kung makasingit ang mga nag-momotor ay daig pa sa pagharurot si Evel Knievel at mamuntik-muntikang madisgrasya ka. Kaliwa, kanan, lusot ng lusot hangga't may masisingitan. Lagi silang nagmamadali. Namihasa, dahil wala namang humuhuli. Pati yung mga trikes na ang likod ay yari sa metal na nakakabulag ni hindi sinisita.

Ang daming napapansin ang publiko sa mga kamalian sa karsada, kaya lang parang nasanay na ang lahat at naging manhid sa nakikita nila sa araw araw. Ganito na lang ba ito? Wala na ba talagang pagbabago tayong aasahan?

Eto pang isang isyu. Siguro naman ngayong Senior Deputy Speaker na si Congressman Dong Gonzales eh ipaayos na niya yang MacArthur highway stretch from barangay Telebastagan in San Fernando hanggang sa kabayanan nito. Asphalt overlay pwede na.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph