Police Station commander at anim na tauhan nito sinibak sa puwesto.....

Dahil kasong illegal arrest, arbitrary detention at extortion, inaresto at sinibak sa kanilang puwesto ang pitong pulis nakatalaga sa Angeles City police station 2 nitong nakaraang linggo.

Ang mga inaresto ay sina Major Marvin Aquino, station commander ng Angeles City police station 2; Msg Romulo Melegrito; Ssg. Mark Steven Sison; SSg. Nilo Marquez; Cpl. Diosdado Villamor Jr., Cpl. Richard Gozum at Cpl. Jaypee Mangilit.

Batay sa report ng Police Regional Office-3 (PRO3) sina Meligrito, Villamor, Gozum at Mangilit ay pawang miyembro ng Station Intelligence and Drug Enforcement Unit, samantalang sina Marquez at Sison ay kapwa jailers, investigators at desk officers.

Nag-ugat ang nasabing pag-aresto sa pitong police offcers nang reklamo ng anak ng nakakulong na ina nito sa nasabing police station dahil umano sa kasong illegal drugs. Ang kanyang nanay ay iligal umano inaresto ng mg pulis at arbitarily detained sa station.

Batay sa salaysay ng anak, ang kanyang ina ay inaresto sa kanilang bahay sa Barangay Amsic, Angeles City noong Mayo 28. Sang-ayon sa nagreklamo ang mga pulis ay humihingi ng Php30,000 para bumaba ang kanyang kaso nito.

Dahil sa natanggap na mga reklamo ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Goup ng Camp Crame at sa pakiki-ugnayan sa Angeles City Police Office at PNP Internal Affairs Service nagsagawa ng pag-inspeksyon sa Police Station 2.

Sa record ng nasabing police station, ang mga nakakulong doon ay pawang mga vendors, construction workers, housekeepers, tricycle drivers at truck drivers at pawang walang isinampa kaso sa kanila.

Dahil dito inaresto at sinibak sa kanilang puwesto ang pitong police officers dahil sa illegal arrest, arbitrary detention at extortion.

Dinala sa PNP Headquarters sa Camp Crame ang pitong police officers for documentation at filing of appropriate charges before the Department of Justice.

Ang tanong po dito,,,,Ang Angeles City Police Office (ACPO) ay walang pananagutan sa nangyari sa kanyang mga personnel??? Nagtatanong lang po...

Di pa Command Responsibility ng City Director ang naganap na illegal arrest, arbitrary detention at extortion ng kanyang mga personnel sa Police Station 2??? Nagtatanong lang po....

Human Trafficking sa Clark Freeport???...Anong ginagawa ng pamunuan ng Clark Development Corp. (CDC) nagtatanong lang po...

Mga illegal drugs nasa package bakit nakalulusot sa Clark International Airport??? Nagtatanong lang po....

Sundan sa susunod na kolum....

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph