Tell it to SunStar: ‘Defend confidential funds publicly’

Tell it to SunStar: ‘Defend confidential funds publicly’

Trabaho lang, walang drama.

Akala ko ba, VP Sara (Vice President Sara Duterte), the OVP (Office of the Vice President) can live without confidential funds? Bakit parang pinapawisan na yata kayo dyan, budget hearing pa lang? Lahat naman ng ahensya naglalabas ng proposed budget.

Hindi kayo special.

If you’re so confident about those confidential funds, then defend them publicly.

Napakababa na yata ng standards ngayon sa OVP. Gagawin mo lang ang trabaho mo, “amusing” na agad? Kung meron mang “amusing,” yan ay yung halos kalahating oras na turo-turo, pag-iwas sa tanong, paikot-ikot na sagot, at pagbabalu-baluktot ng sitwasyon. Ginawa nilang perya ang basic na proseso ng pagbusisi ng pera ng bayan.

Hindi ko kailangang mag-“wish” na na-access ng opisina niyo nang ilegal ang confidential funds. Dalawang former Senate President na ang nagsabi—Sen. Drilon at Sen. Pimentel—na yung paglipat ng pondo mula OP to OVP ay ilegal at unconstitutional.

At higit sa usapin ng batas, huwag ilihis sa tunay na issue: Si Vice President Duterte lang—bilang VP at Secretary ng DepEd (Department of Education)—ang may confidential funds na mas malaki pa sa combined confidential funds ng DND (Department of National Defense) at Nica (The National Intelligence Coordinating Agency).

Bakit ba kailangan niya ng napakalaking pondo na walang audit o disclosure sa publiko?

Given the significant responsibility of government officials, I demand a shred of competence when it comes to fiscal matters—like any Filipino taxpayer.

Kaysa sa mga personal na atake at pag-iwas sa tanong, mas maganda sigurong kung linawin na lang ni VP Sara ang pondo ng opisina nya para sa isang national budget na mas transparent, mas epektibo, at mas tutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph