Php3.8 droga mula sa SMBA nadiskubre sa Pampanga

Php3.8 droga mula sa SMBA nadiskubre sa Pampanga

Noong nakaraang linggo, isang malaking bulto na illegal drugs ang nadiskubre ng mga otoridad sa isang warehouse sa Barangay Malino, City of San Fernando, Pampanga.

Umaabot sa Php 3.6 bilyon piso ang halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), Department of Justice (DOJ), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Port of Customs ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ito na yata ang malaking haul ng illegal drugs nadiskubre sa Pampanga na kung saan sa mga mixed red at golden tea bags na umabot sa 530 kilo.

Ang malaking kontrabado ay nakapalood sa isang container at ideklara pagkain ng hayop mula sa Thailand. Ito ay nakapasok sa bansa sa Subic Freeport.

Dinala ang nasabing illegal drugs sa isang warehouse sa Barangay Malino ng nasabing lungsod. Bakit naman hindi nalaman o namonitor ng mga barangay officials ang nasabing warehouse ay nag-iimbak pala ng illegal drugs??? Nagtatanong lang po..

Di ba sila ang nakaka-alaman kung sino ang may-ari ng warehouse at kung anong laman nito??? Nagtatanong lang po...

Kung sa SBMA Freeport nanggaling ang kontrabando, paano ito nakalusot sa mga otoridad nito??? Nagtatanong lang po....

Dahil sa pagkakadiskubre ng illegal drugs sa Mexico, Pampanga na nagmula sa SBMA..... Pinaghipitan ngayon ni SBMA chairman Jonathan Tan ang Port of Subic.

Bakit ngayon lang gagawin ni SMBA chairman ang lalong paghihigpit sa mga shipment sa Port of Subic kung kailan mayroon ng nakalusot??? Nagtatanong lang po....

Sino po ba ang dapat sisihin o dapat managot sa nasabing Php3.6 bilyon illegal drugs na nakalusot sa SBMA port of Subic??? Nagtatanong lang po....

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.
logo
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph