DINAGSA ng maraming government officials at iba pang sector ng lipunan ang Kapitolyo sa unang araw ni Gubernadora Lilia “Nanay Baby” Pineda sa Kapitolyo.

Halos mapuno ang kapiligiran ng Kapitolyo sa mga nakaparadang sasakyan ng iba’t ibang government heads ng umaga ng Huwebes (July 1) upang mag-courtesy call kay butihin gubernador Pineda.

Click here for Election 2010 updates

Ang Capitol Conference Room ay napuno din ng mga kababayan natin na humihingi ng tulong para sa mga may sakit nilang anak kay Pineda.

Si Nanay Baby ay pansamantalang nag-oopisina sa Executive House dahil ang Governor’s Office ay kasalukuyang ginagawa.

Hanggang noong Biernes (July 2) puno pa rin sa mga kababayan natin ang Kapitolyo upang magbigay galang o gustong bumati kay Pineda.

Hindi mabilang ang mga kababayan natin na dumadalaw sa Kapitolyo hindi kagaya nang nakaraang administrasyon ni dating gubernador Ed Panlilio na kung saan pili lamang ang nakakapasok sa Kapitolyo.

At sa pag-upo halos lahat ng mga Capitol Employees ay nakangiti kung baka siguro ay alam nila na magiging maayos at maganda ang magiging takbo ng administrasyon ni Pineda.

Sa admistrasyon ni Nanay Baby alam ng mga empleyado ng Kapitolyo na makakamit o matatanggap na nila ang kabuuan na Christmas bonus na hindi ibinigay ni Panlilio.

Magiging maaliwalas na ang Provincial Capitol sa pag-upo ni Pineda dahil ang lahat ng mga kababayan natin ay kanyang pinapansin at binibigyan ng oras upang tugunan ang kanilang karaingan.

Karamihan ng mga alkalde at konsehal sa Pampanga ay patuloy na rin sa pagdagsa sa Kapitolyo para mag-courtesy call kay Pineda at maging iyong mga barangay captain at iba pa.

Patuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong ni Nanay Baby sa kanyang mga kababayan na pumupunta sa kanyang tanggapan.

Sa tatlong taon na walang puwesto sa government si Pineda ay naging abala pa rin ito sa pagtulong sa mga mahihirap na may karamdaman hindi lang iyong taga Lubao kungdi maging iyong ibang bayan sa Pampanga.

Ganito sana lahat ng mga elected official kagaya ni Pineda na maging matulungin sa lahat ng oras hindi lang tuwing may eleksyon lamang, pahayag ng mga Kapampangans.

Hijacking na naman sa Pampanga?

Isa na naman hijacking incident ang iniulat na kung saan isang close delivery van ang tinangay ng di-kilalang armadong lalaki sa kahabaan ng MacArthur highway sa Barangay Saguin, City of San Fernando.

Sa ulat, nangyari ang nasabing insidente noong Hunyo 29 ng umaga na kung saan ang Mitsubishi Canter close van (ZTH-474) na minananeho ni HIlario Auxterio ay hinayjak ng mga armadong lalaki.

Lulan ang nasabing van mga kahon ng Marlboro at Philip Morris cigarettes na nagkakahalagang P1 milyon at ang mga ito ay idedeliver sa mga supermarket o grocery sa Pampanga nang ito’y ihayjack ng mga armadong lalakii.

Ang drayber ng van at dalawa nitong helper ay ibinaba sa ilang lugar sa lalawigan at ang delivery van ay tinangay ng mga suspek.

Sa pamamagitan ng GPS tracking system ay natagpuan ang close van sa Dagat-dagatan, Navotas nguni’t wala ng nakitang mga suspek ang Pulisya.

Hindi na yata masusugpo ang hijacking sa lalawigan ng Pampanga? Nagtatanong lang po…

Kinakailangan na sigurong maibigay ang P20 milyon mula sa intelligence funds ng Provincial Capitol upang magamit ito sa information gatherings ng Pampanga Police upang masugpo ang ano man krimen sa Pampanga.

Matatandaan, ipinahayag ni Gubernadora Lilia “Nanay Baby” Pineda na maglalaan siya ng halagang P20 milyon sa Pampanga Police upang masugpo ang crime incidents.